tula #1

3 0 0

Mahal kita. Dun ako'y sigurado

Dito sa puso ko'y iyon ang totoo

Isip ko may iba ang dikta

Puso parin ang pipiliin, sinta.


Di alam kung kailan nagsimula

Ang pagtibok ng puso sayo at paghanga

Bigla nalang nagising isang umaga

Kita'y iniisip, sayo'y nangulila.


Maaaring di ka sakin maniwala

Pagkat sa simula tayo'y aso't pusa

Magkatunggali sa bawat larangan -

ang ating pamilya, sa loob ng paaralan.


Ngunit sinta, iyo sanang dinggin

Isang dasal sa Diyos, isang panalangin

Na sana'y dumating sa malapit na panahon

Na ang damdamin ko sayo ay may katugon.



pen n papelBasahin ang storyang ito ng LIBRE!