Chapter 2: CEDRICK's HEARTBREAK

45 3 0

Nagising akong puro puti ang paligid ko.

"san ako?" nanghihina ko pang tanong

"you're at the hospital miss, dinala po kayo dito ng lalake kaninang umaga" paliwanag ng nurse na nag susulat sa parang log sheet.

"ha? Sinong lalake?" di ko maalalang tanong

"yung.. yung.. pano ba to? Gwapo po tapos matangkad na para bang artista. Kaya di ko masisisi kung bakit kayo hinimatay miss" kinikilig na hirit ng nurse

"ay nurse hinimatay ako dahil sumama ang pakiramdam ko hindi dahil lumantod ako sa gwapo" inis kong parinig sa kanya. Chura! ako? Himatayin? No way! Pwera na lang kung ang tinutukoy nitong nurse nato ay yung customer ko kanina sa mall.

5 seconds.....

Nako mukhang yun nga ata ang tinutukoy nya! Nako po, nakakahiya naman.

"nurse, Ahm ano pala yung findings kung bakit ako nahimatay? " medyo kalmado na ako ngayon dahil napag tanto kong tama pala yung nurse sa mga sinasabi nya kanina.

"maam over fatigue po" di nya makatinging sagot sa akin, parang nakonsensya tuloy ako

Hindi na ako nag taka kung bakit na over fatigue ako, yun naman talaga kakahinatnan ko e. nakalabas na ako ng hospital kinahapunan, sinubukan akong pigilan ng mga staffs ng hospital pero di nila ako kaya. Kung sila kikita sa akin sa pagdagdag ko ng araw sa loob ng hospital, pwes ako madadagdagan din naman ang gabi ko sa bar ni mr. chen kung di ako sumayaw kahit isang gabi.

Babayaran ko na sana ang bills ko sa hospital ng sinabi ng nurse na incharge sa payments na bayad na daw ang lahat kasama ang mga gamot ko.

"maam, nabayaran na po ng boyfriend nyo kaninang umaga" pag iinform nito sa akin

"nako di ko po boyfriend yun" medyo kinikilig kong puna sa kanya

"pasensya na po, nabayaran na po ng mister nyo" pag cocorrect nya sa nauna nyang sinabi

"ahm! Di ko rin asawa yun. Actually wala kaming relasyon nun, kaya nga sana hihiling ako sayo na favor if pwede ko makuha yung number nya para sya nalang yung babayaran ko. Okay lang naman diba?" parang nagmamakaawa kong tanong

"pwede naman po kasi sya naman ang nagdala sa inyo papunta rito" nagsulat lang sya konti tapos inabot nya sa akin ang maliit na papel.

ARNOLD RODRIGUEZ- 09172345652

CEDRICK'S P.O.V

Di maalis ang isip ko doon sa babaeng dinala ko kanina sa hospital, she's really beautiful lalo na nung Makita ko sya ng malapitan. Nababaliw na nga ata ako at may nasabi ako sa kanya kanina na di dapat sabihin,di ko kasi napigilan ang sarili ko. Ayoko pa sanang umalis sa hospital dahil walang nagbabantay sa kanya pero kelangan ko talaga kasing puntahan si margo at ayusin ang di namin pag kakaintindihan, buti nalang at nagpresenta yung nurse na sya na daw ang bahala. Bago ako umalis ng hospital ay binayaran ko na ang bills nya at medicines para wala na syang masyadong intindihin, kelangan ko pa nga daw ilista yung name and contact number ko si they could contact me if the patients is okay or not. I had no choice but to write arnold's name on the information sheet to avoid issues, lalo na ngayon na nagkakalabuan kami ni margo but the contact number is mine just the name lang ang di akin.

Tamang tama mga 5:00 pm nakarating na ako sa tapat ng building ng condo ni margo. Nagmamadali akong nagpark ng car ko then I take the elevator, and I'm already at the 7th floor. I inserted the card key to make the door open, nagtataka siguro kayo kung bakit may susi ako. Of course she's already my fiancé and I'm the one who bought the condo for her birthday last year.

Dating a Bar DancerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!