Baby °3

17 7 21

Guilda

A week had passed and still masakit parin ang mga natuklasan ko that time but thank goodness dahil kahit papaano naman ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Nandiyan si Emil all the time for me at masasabi kong malaking tulong ang nagawa nito para makalimot kahit papaano. Pero alam naman nating dadating na dadating ang time na kusang papasok sa isip mo ang mga masayang memories niyo kasabay nun eh yung maaalala mo kung pano ka niya sinaktan, hindi ko nga maintindihan eh na ayaw mo na nga pero itong katawan mo ay hinahabol-habol pa ang taong mahal mo kahit na niloko't nasaktan ka pa.

Ako nga itong nagsabing kapag nasaktan na dapat wala na at layuan mo na dahil hindi mo siya at hindi ka niya deserve. Pero ito akong si gaga na nagmumukmok dito sa kwarto ko, kakaiba pala talaga kapag in real life na ano?

I was about to close my eyes again but suddenly my stomach flipped at dagli akong tumakbo papuntang bathroom at doon ko ulit ibinuhos ang lahat ng laman ng sikmura ko. Nang makasigurong wala na talaga ay nagtoothbrush at naghilamos na ako saka lumabas sa pugad ko.

Kakalabas ko pa lang ng may mahigpit na yumakap sa'kin.
Pshh, si mom lang pala na nay relieve expression.

"Buti naman naisipan mong lumabas anak, naku mapapadali ang buhay ko sayo sa pag-aalala anak"
Mangiyak-ngiyak na sambit ni mom habang nakayakap, napangiti naman ako sa pag-aalala ni mom.

Atleast hindi lang siya ang nagmamahal sa'kin.

Doon ko palang na realize na hindi siya kawalan dahil naisip kong 'bakit pa ako magpapakawawa sa kanya kung may libo-libo namang tao sa lugar?' Baka nandodoon lang ang tunay na para sa'kin.

'Bagay sila dahil pareho silang malandi'
Para na lang akong baliw na tumango sa pagsang-ayon sa sinabi ng isip ko.

"Wait--anak ayos ka lang---anak!!! Oh my go----"

Everything went black

Isang sampal ang gumising sa'kin sa pagkakahiga dito sa puting kama-sa hospital?
Muli kong ibinaling ang paningin ko sa sumampal sa'kin and there I saw my mom and dad with a deathly glare on me and my brother looking at me in disgust. There are also a by standers here na nanliit ako sa mga tingin nila.

"Walangya kang babae ka napakalandi mo, wala kang respeto sa sarili mong katawan hayop ka!"

Maluha-luha akong nakatitig sa nanay kong galit na galit na nagwawala sa pagitan ng dalawang guard na nakahawak dito. Naguguluhan man pero hindi ko na muna inintindi dahil nahihiya ako ngayon sa harap ng mga camerang tutok na tutok sa pangyayari.

Sa distraction ko ay hindi ko namalayan si dad at isang malutong na sampal lalaki naman ang tumama sa mukha ko. Napahiga ako sa lakas at hindi ko na napigilang humagulgol nakakatakot talaga ang expression nila at nakita ko na lang na nanginginig na ako dito sa pwesto ko. Parang nasa ilalim ako ng tubig sa mga naririnig kong blur voices at parang nagkahalo-halo ang lahat ng nakikita ko.

Umayos lang ang lahat ng hatakin ako ni kuya palabas ng room na ito at lalo lang akong naiyak at yumuko sa gitna ng kumpulang nga tao.

'Grabe pala siya ano, imbis na sa fiance siya mabuntis eh sa iba pa talaga.'

'Haha puta pala itong si Guilda'

Man From Another EarthBasahin ang storyang ito ng LIBRE!