Tia's

Buong araw na akong hindi makapaniwala na nasa iisang building kami nakatira ng gwapong lalaki na yun. Crush at first sight. Bagong lipat kaya? Hihi. Ang landi ko naman.

Pagpasok ko sa unit ko ang kalat kalat pala. Nako! Nakakahiya naman baka biglang kumatok dito si Mr. pogi tapos magtatanong siya kung may tubig na malamig ba ko sa ref kasi nga kakalipat lang niya wala pang laman ang fridge nya! Haaaays.

Nawala ako sa dreamland ng may kumatok nga sa pinto.

Dali dali akong tumakbo para pagbuksan kung sino man yung kumakatok. At laking gulat ko nung si Mr. Pogi nga! Nasa harapan ko siya ngayon! Deja vu ba to? Hahaha.

"Ugh. Hi pwede bang manghingi ng tubig? Uhaw na kasi ako. Kakatapos ko lang maglipat ng furniture eh. Please?"

Hindi niya ba ako natatandaan? Parang bumait ah? Masungit siya nung nakaraan eh.

Sabagay madami siyang dala nun, baka di niya din napansin ang mukha ko. Pero! Omyyy! Pawisan at hot na hot siya sa suot nyang black na sando at maong na shorts! Basa din ang buhok niya dahil sa pawis. Pero kahit ganun ang bango bango niya pa ding tignan. Yummy talaga!

At nawala na ulit ako sa dreamland ng tapikin niya ang pisngi ko.

"Miss? Are you okay? What happened to you? Miss?"

"A-ah eh bakit ka nga ulit nandito?"

"Oh im sorry to disturb you manghihingi lang ako ng tubig. That's all. Pero mukhang spaced out ka kaya sige alis na ko."

"Saglit lang! Pasensya na may iniisip lang pasok ka muna?"

Go Tia! Panindigan mo na ang kalandian mo! Whoo!

Pag talikod ko tyaka ko lang na alala na sobrang dumi ng place ko! At ang matindi pa naka kalat lang ang undies ko sa sofa. It's too late dahil naka upo na siya dun. Homaygad!

"Bagong lipat ka rin? Sobrang kalat ng room mo eh. Gusto mo ng tulong sa pag aayos?"

"Ah hindi. Nako! Pasensya ka na sa sobrang busy ko kasi di ko na naaasikaso mag linis dito. School works you know?"

"Ah yah! Anong year ka na ba?"

"First year. Ikaw ba saan ka nag aaral?"

"Hindi pa ako nakakapag enroll but maybe tomorrow mag i-inquire na ko sa Enderun."

Holy shit! Parang may kumakantang anghel dito sa unit ko nung sinabi niyang Enderun! Magiging schoolmate ko pa siya pag nagkataon! Wieee

"Oh talaga? Doon din ako pumapasok. Anong course ka mag eenroll?"

"I'm running our company business someday, kahit na ayaw ko. So I guess Business Administration ang i-eenroll ko."

"That's good! Kaya mo yan! Ito na pala yung tubig. Katok ka nalang ulit kapag may kailangan ka pa. Seeyou sa Enderun!"

"Oh thanks. See you! Salamat ulit dito."

All smiles ako pag alis niya.. Pero parang may kulang?

Hindi ko natanong ang pangalan niya! Sadla naman! Siguro may next time pa naman. Yieee kinikilig talaga ako!

--

"Wow! In fairness ang saya saya mo ata ngayon? Ganda ng ngiti natin jan ah! Anyare?"

"Nako bes! Wala! Masama na ba maging good mood? Hahaha"

"Aba tumatawa pa! May homework ka na ba sa Basic Math? Tapos may prepared speech ka na ba para sa Oral Com?"

"Bes! Kalma meron na ko niyang mga sinabi mo! Kalma ka jan okay?"

"Himala ng langit at lupa! Anong nangyari sayo! Omygeee"

Wala eh. Kapag masaya ka talaga nagagawa mo ang lahat. Pati na ang mahirap na assignment sa Basic Math. Mwahahah. Ang landi ko talaga.

Sana makita ko siya ulit mamaya. Hehehe.

Double TroubleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!