Chappy 1

0 0 0


"Sab, punta lang ako sa locker room." Paalam ko sakanya.

"Sige. Hintayin mo nalang ako dun. May aayusin pa ko dito." Sagot niya.

Si Sab pala yung bestfriend ko. Simula pa nung toddler pa kami magkakilala na kami. Charot!! HAHA.



Papalapit palang ako sa locker room. May naririnig na kong nag-uusap sa loob. Mukhang seryoso ata pinag-uusapan nila.

At dahil dakilang chismosa ako. Bwahahaha. Makikinig muna ako. Lol. Nagtago ako malapit sa pintuan. Para pag nahuli ako, agad akong makakatakbo.

"Mahal mo ba ako kasi gusto mo ako? O mahal mo lang ako dahil kailangan mo ako?"

Seryosong tanong ng lalake dun sa kasama niyang babae. Siguro girlfriend niya. May pahawak-hawak kasi sa kamay e. Sige na, ako na malisyosa. Hahaha.

Infairness gwapo yung lalake. Ang tangos ng ilong, maputi, brown eyes at matangkad. In short YUMMY. Maganda din naman yung girl. Simple lang siya.

"Let me explain Cad. Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman ko." Sabi ni girl. Sabay alis sa pagkakahawak ng kamay niya.

At tuluyan ng tumulo ng unti-unti ang luha ni bebe boy. Gravity! Sinayang ni ate si Kuyang Yummy. Konti nalang kaya ngayon ang mga lalakeng iiyakan ang babae. Parang tunog ng kampana si ate. Kase TANGALANG TANGALANG. Lol. Magets niyo sana. Hahahaha. Korni ko na tuloy.





*KRIIIIIING! KRIIIIIIING!


"AY PUSANG GALA NA MAY KASAMANG YUMMY NA NILALANG!"

Napatakip ako ng bibig ng marealized kong napasigaw pala ako. Napatingin sila sa pinagtataguan ko. Sana lamunin na ko ng lupa. Mahabagin na Lola Nidora help me!!! Oh my g. Im gonnaaaaaaaaaaaaaaaa die!!

HypothalamusBasahin ang storyang ito ng LIBRE!