52:We Should Run

96 2 0

Raven's POV:

"Kuya Fred, anong oras daw ang uwi nila mom?" Umupo ako sa isa sa mga upuan sa lamesa namin dito sa mansion. Maaga pa pero nagising na ko dahil maghapon din ako natulog kahapon

"Mga mamayang hapon sir" sagot nya na nakatayo lang sa gilid ko

"Take a sit join me" umupo na sya sa isa sa mga upuan sa tabi ko

"Dad was calling all night long and he keeps on bugging me...tell me, did he told you and our men to follow me all the time?" tiningnan ko sya ng matiim. Dad was a paranoid father and he would go to that extent to protect me

"No sir" hindi ko na lang sya pinansin  at pinagpatuloy ang pagkain. Maraming tauhan si dad na nanonood, kahit na sabihin pa nya sakin na walang sinabi si dad hindi rin naman ako maniniwala. It's annoying when a bunch of men is watching you from a far while your eating....Idiots!

"Sir, If I may ask. Ano po bang ginawa nila sir Wolf at ma'am Sophia at saan sila pumunta?" tumigil muna ako sa pagkain at ininom ang tubig bago ko sya sinagot

"Hindi ko din alam. And it is not for you to know that either" tumango lang sya sakin at nagsimula na ring kumain. Kabilin bilinan ni mom na wag ipapaalam kahit kanino kung san sila pumunta kaya susundin ko yun

"I'll be waiting at the garage for you. Please take your time and finish the food. Tell those guys outside this dining room to join you" tumayo na ko at lumabas ng dining room. Naabutan ko pa na nag-uunahang magtago ang mga tauhan namin na kanina pa tumitingin sa mga kilos na ginagawa ko

"Pumunta na kayo sa dining room bago pa maubos ang pasensya ko. Wag nyo rin ako susundan sa school....if you don't go by my rules....I will kill you all" walang sumagot sa sinabi ko dahil nakatago lang sila sa mga poste ng mansion. Nagsimula na kong maglakad palabas ng mansion at papunta sa garage. Sumakay na ko sa back seat ng sasakyan at naglagay ng earphones

Ano nga bang ginawa nila mom and dad sa U.S.? posible kaya na may kinalaman ang pag-alis nila sa nangyari nuong nakalipas na isang dekada? Naikwento na sakin ni Tito Van ang lahat ng nangyari. Sa pagkakatanda ko...sa U.S din lahat naganap yun. Sinubukan kong tanungin si dad kahapon pero ang sabi nya business meeting lang daw ang pinunta nila dun...Hindi naman sila nagbubusiness trip noon kaya hindi ako naniniwala na yun ang pinunata nila sa America

"Sorry natagalan sir" nagbukas ang driver's seat at pumasok na si kuya Fred sa loob ng sasakyan. He had been my driver for as long as I can remember. Hindi kami close pero alam ko na hinire siya nila dad dahil sa combat skills nya at sa husay na rin sa paggamit ng baril

"Sa schoo tayo" nagsimula na nyang idrive ang sasakyan at tahimik lang ako sa likod. Nakatingin lang ako sa kanya sa rear view mirror ng sasakyan at hindi ko inalis yun hanggang sa mapansin nya 

"Sir may prob-" I cut him off

"Sinabi ko kanina na wag nila tayong susundan. Tell them to get back home.I always keep my promise kuya Fred, at sinabi ko sa kanila na papatayin ko sila pag sinundan nila ko. If you don't tell them to stop tailing me then I will kill you instead" I don't want them tailing me. Baka malaman nila na maayos kaming nakakapag-usap ni Light at makarating pa kila mom

"Sir wala pong sumusu-" I cut him again

"Tell them to get Lost" huminga ko ng malalim "there's no point in lying, I can feel their presence" inilabas ko ang baril sa bulsa ko at binuksan ang bintana sa kaliwa ko

"Kung hindi mo sila uutusan na umalis. Papatayin ko kung sino man sa tauhan namin ang makita ko" ikinasa ko ang baril at tumingin ulit sa kanya sa rear view mirror. Madilim ang mukha nya at alam ko  rin na gusto nya kong saktan pero hindi nya magawa

The ProdigiesBasahin ang storyang ito ng LIBRE!