Chapter 29 "Miserable"

14 4 0

A/N: Hey guys!!! Pasensya na sa mga nagdaang araw, nagkaAmoeba at UTI po kasi ako, hayy,
Anyway, I'm back!!! And here's an updates?? Hahahaha... with 's' hahahaha..
Please don't forget to Vote. Comment. Share. Thank you and God bless...
~~~~~
Kervy's POV
(October 31, 20**, Friday, 3:30pm)
(Bahay Ampunan)
After nung nangyari sa amin kahapon, nagulat ako kasi binanggit ni Trixia yung pangalan ko habang umiiyak sya, tinanong ko si Geryanne kung ano ang nangyari at bakit sila magkasamang pumasok noon sa clinic, kinuwento naman nya ang dahilan at pagkatapos nun, sorry ng sorry si Trixia kasi wala syang lakas ng loob para harapin ako ng kami lang dalawa, sensitive at may pagka-duwag pa rin si Trixia...

Ngayon nga pala ay nasa Bahay Ampunan kami, nabalitaan kasi namin na may nagpaputok daw ng baril doon ng anim o pitong beses, nangyari daw iyon kaninang tanghali...

Hindi mapakali si Trixia dahil nawawala sina Inang Mary, hindi pa mahanap ng mga nag-iimbistiga kung nasaan sila, lumapit ako kay Trixia at hinawakan ko ang magkabilang balikat nya, tiningnan nya ako at ako naman ay nagsalita...

"Trixia, 'wag ka ng mag-alala, mahahanap din natin sina Inang Mary, at sana walang nangyaring masama sa kanila..."

Pagkasabi ko nun, nakita ko na naluluha na naman sya, iyakin talaga...

"P-pero, paano kung (*sob*) w-wala na sila, ayoko pa silang mawala..(*sob*) hindi ko na nga sila naalala tapos...(*sob*) n-ngayon, kung kailan naman na naaalala ko na ang lahat,(*sob*) saka naman sila mawawala...(*sob*) hindi ko pa nasasabi sa kanila na naaalala ko na sila..."

Sabi nya at saka umiyak ng umiyak, niyakap ko na lang sya ng mahigpit, okay na nga ang ala-ala ni Trixia, saka naman lumalala ang problema namin dahil sa business matters, tsk...

"Mr. and Mrs. Reyes, nahanap na po namin ang taong may kagagawan ng lahat ng 'to, ang mga nabiktima po ay nasa Mendoza-Odejar Hospital, nasa kritikal na kalagayan daw po ang pitong iyon..."

"Sige, salamat, pupuntahan lang namin ang mga nabiktima at tawagan nyo na lang kami kapag nakausap nyo na ang may sala..."

Narinig namin ni Trixia ang sinabi nung nag-iimbistiga sa Mama at Papa nila, lumapit naman sa amin si Tita Cristy at Tito John at nagsalita...

"Anak, 'wag ka ng umiyak, pupuntahan natin sina Inang Mary sa ospital, nasa critical condition daw silang lahat, kaya hangga't maaga pa, puntahan na natin sila... "

"Kervy, maiiwan daw sila James at Nadine dito kasama yung mga pinsan nyo at sina Boom at Camille, kaya kayong apat ang sasama sa amin sa ospital, para malaman nyo ang kalagayan nila Inang Mary, kasama din yung walong bata..."

"Sige po..."

Sagot naming dalawa...

(3:40pm)

10minutes lang ang biyahe mula sa ampunan hanggang sa ospital namin, pero habang nasa biyahe, hindi namin maiwasang makaramdam na maging miserable dahil sa mga nangyayari...

(Mendoza-Odejar Hospital)
(Room 127)

Nakadating na kami sa kwarto nila Inang Mary, pumasok kami at pagkapasok namin, nakita namin sila na nakahiga at walang malay...

"Sino po sa inyo ang kamag-anak ng mga pasyente?"

Bigla namang nagtanong ang doktor, sinagot naman ni Mama,

"Hindi po namin alam kung sino at nasaan ang kamag-anak nila, pero sila pong labing-dalawa ang mga inalagaan nila sa ampunan..."

"Ganoon po ba? Sige po, sa ngayon po , sa kanilang anim ay maayos na po ang kalagayan nila, at maya-maya po siguro ay magigising na sila, pero ang isa pong pasyente, ang matanda sa kanila ay matatagalan pa po bago magising, natamaan po kasi ng bala ang parte kung saan may sakit ang matanda, at yun po ay ang puso, inoperahan na naman po namin sya para po mabuhay pa sya ng matagal,..."

Lalong naging miserable ang pag-iisip namin dahil sa mga narinig namin sa doktor, matagal na palang mag sakit sa puso si Inang Mary, pero kinakaya nya pa rin yung sakit na 'yun...

Hayy..

'Lord, bigyan Nyo pa po si Inang Mary ng mahabang buhay, bigyan Nyo po silang lahat ng lakas para po bumalik na sila sa dati nilang sigla, tulungan Nyo din po ang mga taong may inggit sa kanilang puso na nakakagawa ng masama, ipakita Nyo po sa kanila na ang mga nasa harap nila na pinaghirapan nila ay lalo pa nilang paghirapan para hindi na sila mainggit sa kung ano ang meron na ang iba, matuto po silang pahalagahan ang mga bagay na ibinigay Nyo po sa kanila, yun lang po. Amen.'

-----

Unexpected LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!