For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

  ∞ Chapter Twenty Two ∞ 
----------

"Papatayin kita Montefargo! Papatayin kita!" nakakatakot na mga salitang isinigaw at lumabas kay Trex. Ang kanyang mga tingin na nanlilisik. Hudyat na nagsisimula ng magwala ang halimaw sa kanyang katawan at alam ng mga taong nasa paligid na walang sinuman ang makakapigil sa kanya.

Nakipagtagisan ng matalim na tingin si Rage sa kanya. Hindi ito nagpatalo sa pares ng mga mata ng isang Trexone. Mga matang namumula at nagliliyab sa galit. Mga mata kung saan makikita ang demonyo sa kanyang pagkatao.

Nagkuyom ang mga kamao niya. Nanggigil siyang mapatay si Rage kahit pa sa harap ni Summer. Hinablot niya ang kuwelyo nito habang nanghihinang nakaupo sa sahig at mabilis pa sa kisap mata ng bigla niya itong pinaulanan ng suntok sa mukha. Pilit siyang inaawat ng mga kasamahan at mga lalakeng nakaitim pero hindi siya nagpapigil. Nagawa na siyang maging manhid ng halimaw na pagkatao niya at sa puntong iyon... Nasakop na ng isang demonyo ang kanyang buong sistema.

Wala pa rin syang awat kahit duguan at namamaga na ang buong mukha ni Rage. Ni hindi man lang nagawang makaganti ng kahit isang suntok ito sa kanya dahil sa kahinaan na nararamdaman.

Sinubukan ni Adonis ilayo si Rage at ganoon din ang ginawa ni Ezekiel sa kanya pero itinulak lang niya palayo si Ezekiel at sinuntok at tinadyakan niya muli si Montefargo.

"Tama na! Please Trex! Ano ba tumigil ka na! Kuya! Bitawan niyo ko! Kailangan kong pigilan si Trex!" sa kabilang banda, pinipilit ni Summer makawala sa kanyang mga kuya para malapitan ang dalawa. Ngunit sigaw lang siya ng sigaw at tila parang isang bingi si Trex at hindi sya nito marinig.

"Summer! Pumasok ka na sa loob. Hayaan mo na kami dito!" sabi sa kanya ni Eugine.

"No! Please!" pagpupumilit niya at sa isa pang pagkakataon ay nagawa niyang makawala sa pagkakahawak ng kambal at tuluyang tumakbo sa kinaroroonan nila Trex.

Lumapit si Summer sa kanya at pinilit siya nitong pinipigilan. Agad siyang hinawakan sa braso ng akmang susuntukin niya muli si Montefargo.

Parang may kung anong kuryente ang dumapo sa kanyang katawan ng maramdam niya sa kanyang balat ang kamay ng babaeng mahal niya. Napahinto at napalingon siya. Para siyang napaso na naging dahilan ng pag distansya niya kay Summer.

Matalim man ang kanyang tingin ngunit ang apoy at galit na bumalot sa kanyang mga mata ay bigla na lamang naglaho ng parang bula. Natigil at natahimik ang lahat na nasa paligid nila. Nagtama ang kanilang mga mata kasabay ng unti unting paghakbang niya palayo kay Summer at parehas bumubilis ang tibok ng kanilang mga puso.

At ang halimaw na bumalot sa kanya ay naglaho na lang din bigla.

Dumako ang tingin ni Summer kay Rage. Lumapit siya dito na may halong awa sa kanyang mga tingin at binigyang pansin ang mga pasa at sugat na natamo nito. Pinasadahan niya muli ng tingin si Trex at ang mga tingin na iyon ay may halong galit.

"Look what you've done! Ano bang problema mo, Trex?! Bakit kailangan mo pang saktan si Rage?! I can't believe that I've seen you turning to a devilish monster ready to kill someone! Anyone!" sigaw niya.

Parang nabato si Trex sa kanyang kinatatayuan. Bigla siyang natauhan at hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Summer. Pero may parte sa kanya na gusto niya muling magalit dahil sa nakikita niya ngayon. Na mas binibigyan niya ng pansin si Rage kaysa sa kanya. Pero may kung anong pumipigil sa kanya at hindi nya magawa.

"Ugh! Fuck! Tangna! Bullshit!" bigla na lang siyang napamura sa inis at napasubunot siya ng mahigpit sa sarili nyang buhok. Tumalikod siya at biglang kumalma at natahimik.

Baby, I'm not a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!