Strange Feeling

18 3 0

Chapter 1

**

"Mommy! Uwaaaaaaa!"

Nakita ko ang isang batang babae na umiiyak at nakatingin sa akin.

"Mommy!! Mommy!!!!!!"

Nakita ko pa ang isang batang lalake na umiiyak din katabi ang batang babae!

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Masyado silang malayo para maaninag ko ang mga mukha nial. Sino ang mga batang yun? Hindi ko napansin na umiiyak na rin ako at parang may kumikirot sa tiyan ko! Pagkatingin ko sa paanan ko, umaagos ang dugo! Padami ng padami hanggang sa leeg ko!

"Waaaaaaaaaaaaaaah!!! Tulong!!!!!!!"

Unti unti na akong nalulubog sa dugo!!

*

"Waaaaah!"

Nagising ako at halos basang basa sa pawis. Hinihingal pa ako at sobrang bilis ng pintig ng puso ko.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.

"Huh. Ano ba yun?"

I heaved out a deep sigh and jumped out of bed. Nasobrahan na yata ako sa kakapuyat kaya kung anu anong napapanaginipan ko.
Nag ayos ako agad at nagtext ang bakla na may bagong bukas na Ice Cream Parlor daw kaming pupuntahan.

Nagpunta na ako sa meeting place and for pete's sake, 30 minutes na akong naghihintay wala parin ang bakla!

*insert ring tone here*

[UY BAKLAAAAAAAAAAA!!!]

Agad ko namang nilayo sa tenga ko yung phone ko. Grabe talaga 'to.

"Kailangang tumili?! Oh ano na? Asan ka na?"

[YUN NA NGA EH! KAYA AKO TUMAWAG KASI DI AKO MAKAKAPUNTA! WAAAAH! MAY EMERGENCY MEETING KASI SA OFFICE AND I NEED TO BE THERE!!! WAAAAH!! WAG MO AKONG IPAPADUKOT SA MGA SINDIKATO PLEASE! MAAWA KA SAKIN!! HINDI PA AKO READY NA MAKUHA ANG V-CARD KO! WAAAAH!!!]

"Tss. Loko ka talagang bakla ka. Dami mong sinabi e, tinatanong ko lang naman kung nasan ka. Oh, saan ba yung bagong bukas na Ice Cream Parlor na yan at ako na lang ang pupunta? Pambihira ka talaga."

[WAAAAH! SORRY NA TALAGA BAKLA!! JAN LANG YUN SA MAY GILID NG MALL! MALAPIT SA STARBUCKS! WAAAAH!! SORRY TALAGA!]

"Oo na. Ang ingay mo. Ingat ka ha? Hintayin mo na lang yung riding in tandem jan para kaladkarin ka."

[WAAAH! ANONG RIDI-----]

Hindi ko na siya pinatapos pa at in-end ang call. Haha. Ang sarap talaga asarin ng baklang yun.

Pumunta na ako dun sa may Ice Cream Parlor na sinasabi ni Rojel. And ang ganda dito. It looks very fun in here. Ice Creams everywhere. I mean not literally, pero puro Ice Cream inspired kasi ang mga designs and mga nakadisplay dito. Kaya halos nag eenjoy talaga ang mga tao. Mapabata man o matanda. May corner pa na pwedeng maglaro ang mga bata. The best thing here is that you can make your own Ice Cream. Choose your flavors, toppings, cones, and anything else on your own. And hindi lang basta table ang meron dito. Kasi yung mga table is parang may transparent cubicles and soundproof. Could you just imagine it guys? You can talk in private. There's more. Yung transparent glass cubicle is parang may nahuhulog na water and the light of it changes every now and then. Hindi naman nababasa ang mga nasa loob nito kasi parang artificial lang naman yung water. And you can take selfies here using the touch screen monitor. Also, you can choose a song for you to be played while enjoying your Ice Cream. More like, choose whatever you want when you are inside the Transparent Cubicle! How cool isn't it? May kamahalan nga lang dito, pero worth it naman lahat! Promise!

Foreign Language of the HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!