17

9 0 0

And it has began.

Nagsimula na ang introduction.

Ms. Alexandra Marapo. Fourth Year Batch President and her escort Mr. Jake Benda.

SHOOT! Ako na sunod. Narinig ko ang palakpakan ng tao.

Ok Zaniya relax. Relax. Pagpasok mo si Ezie agad ang makikita mo. Gosh! Ano kayang itsura nya. Ok. Focus. Baka madapa ka kung hindi ka focused.

Inalis ko na ang coat ko at tumayo sa harap ng pinto.

And this year's 3rd year Batch President, next year's 4th year Batch President. Its also her 16th birthday everyone, around of applause for Ms. Zaniya Mei Perez and her escort Junior Basketball Captain Mr. Ezie Carl Perio.

Bumukas ang pinto ng Ballroom at liwanag agad ang nakita ko.

Naglakad ako papasok at narinig kong suminghap ng hangin ang mga tao. Tumigil ang palakpakan ng mga tao at naramdaman ko na nakatingin sila lahat sakin.

Pero ako, sa isang tao lang ako nakatingin.

Naglalakad si Ezie. Naka-puti din sya tulad ko. So we both stand out in the sea of black. White ang suit at pants nya na may lining ng black, naka-black shirt sa loob at may pulang bowtie nakangiti sya sakin. And i had this crazy feeling that we're getting married.

Natigilan ako. Nakahawak lang ako sa kwintas na binigay nya. He looks so handsome and yes HOT!

Inabot nya sakin ang kamay nya, humawak ako sakanya dahil pakiramdam ko tutumba ako.

Niyakap nya ko at ipinatong ang mga labi nya sa labi ko. Nagpalakpakan ang tao.

Lumayo sya at marahan akong hinila pupunta sa gitna para sa first dance ng mga officers. Kahit walang practice ay alam namin lahat ang waltz dahil sa apat na taon ng dance class.

Nagsimula ang tugtog at nagsayaw kami.

"Love, alam mo bang ikaw ang pinakamaganda sa ballroom na to?" bulong sakin ni Ezie "Bagay talaga tayo, di pa tayo nagusap nyan ha pero terno ang damit natin."

"Well, i did told you na puti ang dress ko diba?" nakangisi kong sagot sa kanya "and Love you look so handsome and hot." kindat ko pa sakanya.

Nagulat sya at napangisi.

"Don't love. i don't want to break my promise to wait hanggang maging ready ka na."

"Then I'll stop. But in telling you the truth."

"i know and im also telling you that i love you Zan."

"I love you too."

Tumigil kami sa pagsayaw and we kissed.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dinala nya ko sa lamesa na nakuha ng mga kaibigan namin.

Niyakap agad ako ni Ally at Nic at bumalik sa mga date nila na sina Ray at Nell. Niyakap din ako ni Robert at Gaby na walang date, wala daw silang partner. Si Gener ay niyakap din ako at hinalikan ang pisngi ko. Ang date nya si Jing Paras. I know Gene like her and she'll be a great friend to us.

Isa lang ang pasira sa lamesa namin, andito din si Reny at ang kanyang date. Si Krystal. Yup THE EVIL WITCH.

Naupo na kami para kunwaring makinig sa Speech ng Presidente ng school. Pag-upo ko ay sunod-sunod na text ang natanggap ko galing sa mga kaibigan ko.

Nicole: bhacks! you look beautiful! :)

Ally: bhacks! Kaya ayaw mo kaming isama sa pagbili mo ng dress noh? You look like a bride! :)

With You AgainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!