MW: Chapter One

51K 1.1K 250

Xaviere Alexis Medina

"Gago ka pala e!" sigaw ko sabay sapak sa mukha no'ng lalaking, kanina lang ay nang hamon sa akin na makipag suntukan.

Hinagis ba naman nang gago ang bola papunta sa ulo ko, mabuti nalang talaga at nasalo ko ito bago ito lumanding ng napakalakas sa ulo ko. His greatest mistake!

Lumapit ako sa kanya dahilan para umatras siya ng bahagya. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi ko dahil sa reaksyon niya. Takot ka naman pala e.

Tiningnan ko ang bolang malapit nang sumagalpak sa ulo ko dahilan din para mapatingin siya dito. Inangat ko ito ng kaunti at hinagis sa lupa sa lahat ng makakaya ko.

Hindi niya namalayan ang pagkilos ko at bigla kong hinigit ang kwelyo niya. Sinuntok ko siya sa kabilang parte ng pisngi niya kaso lang ay naharang niya ito.

Binalikan niya ako ng suntok, na nagtulak sa akin para bitawan ang kwelyo nya.

"Ang lakas din ng loob mong suntukin ako 'no?" pasigaw kong sabi sa kanya dahilan para mas rumami pa ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

Bweset gumawa talaga ng eksena 'tong mokong na 'to. Kung hindi lang talaga siya nagmamarunong edi peace kami, pero dahil ginusto niya 'to edi shing.

Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko at sinugod ko siya gamit ang paa ko. Isang high kick sana 'yon kaso lumagpas ito dahil sa pag-upo niya. Swerte!

Dahil malas 'yong unang attempt ko nang high kick ay sumagalpak sa likuran no'ng gago ang paa ko dahilan para sumigaw siya sa sakit. Nakaupo parin kasi siya ngayon.

Habang pumipilipit siya doon sa sakit ng likod niya ay hindi ko namalayan ang paghigit niya sa paa ko dahilan para matumba ako doon.

Nagulat naman ako no'ng bigla niya akong dinaganan. Shit, tumayo ka Xav, tayo!

"Akala ko ba malakas ka ha?" sabay sampal pa niya ng mahina sa pisngi ko.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya. Tss, tignan natin kung sino ang mahina.

"Wala ka palang binatba---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla kong sinipa ang precious niyang pag-aari at sinabayan ko pa ng suntok.

Tumayo ako at pinagpag ko ang uniform ko. Takte malalaman na naman ni Dad na nakipag-away ako nito.

Hinarap ko 'tong mokong. Mukhang pagod na siya, kanina pa siyang talo e. Misan matotoo kang gumive up kung wala na pre okay?

Napatingin ako sa mga estudyanteng nanonood sa amin ngayon. Let this be a lesson.

Lumapit ako sa kanya sabay taas ng baba niya. "Sinong kasalan nga 'to?" sigaw ko sa kanya.

Sinampal ko ang kanang pisngi niya, "Sinong may sala sa atin? Sagot!" may autoridad na tanong ko dahilan para mapatango siya.

"Kasalanan ko." mahina niyang tugon. Natawa ako ng kaunti sa mukha niyang punong-puno na ng pasa.

"What's the meaning of this Miss Medina!" napatingin naman ako sa likuran ko at napapikit nalang when the realization hit me. Detention.

Miss Warfreak [COMPLETE/REVISING]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!