This Chapter was UNEDITED which means there's a lot of typos and I apologize for that.

---

*Alisha's POV*

Gabi na pero hindi parin ako nakatulog. Hindi pa din ako nakaget-over na in-accept na ni Earl ang friend request ko. Pagulong-gulong ako ngayon sa kama. Nag-iisip kung paano niya ako mapapansin.

Inopen ko ang account ko sa Facebook at nagpunta sa profile ni Earl. Ng i-scroll ko nag-bungad sakin ang number of friends niya,

"2,785???!!!!!" sigaw ko sa gulat. Grabe ang dami niya palang friends? Samantalang ako 1k something lang. Lucky na din ako dahil isa na ako doon sa friend list niya. Biglang sumakit ang dibdib ko ng nasa ulo ko ang "friend" list.

"Friend?? Hanggang friends nalang ba kami? Hindi pa naman kami friends sa totoong buhay. Dito lang sa FB." sabi ko sa sarili sabay pout.

Ini-scroll ko ulit at doon nakita ang mga pictures niya.

"Bakit ba ang gwapo niya?" tanong ko sabay kamot sa ulo ko.

"Kasi gwapo siya" sagot ko sa sarili kong tanong.

Clinick ko ang picture at 3..2..1..

"Kailan mo pa ba ako mapapansin ha???? Ang gwapo mo talaga. Ang tisoy tisoy!" pinoke ko ang laptop ko kung saan ang picture ni Earl.

"O? Ano, wala ka bang gustong isagot?" tanong ko. Lumipas ang isang minuto, ang ulo ko naman ang pinoke ko.

"Ugh! Baliw ka talaga Alisha!" inis na sinabi ko sa sarili ko.

Tinabi ko muna ang laptop ko at muling Gumulong-gulong sa kama ko.

"Paano niya kaya ako mapapansin? Sa anong paraan kaya niya ako mapansin? Sumayaw kaya ako sa harapan niya? Ugh! Baliw! Baliw!Baliw!" pinokpok-pok ko ang ulo ko gamit ng aking kamay.

Last year ko pa 'to ginagawa eh. Wala namang epek. Pasalamat nalang ako kay Fred dahil na i-tanong niya kay Karl kung ano ang pangalan ng crush ko.
Akalain mo 'yun? Naging crush ko siya one year without knowing his name. Nag s-stalk lang ako sakanya pero hindi ko alam kung sino 'tong ini-istalk ko.

Kinuha ko ang phone ko na naka charge sa lamesang tabi ng kama ko.

Inenter ko ang password ko at nag tungo sa messages.

To: Gurlalu Fred
Uy gurl! Gising kapa? Tulungan mo naman ako.

Matapos kong i-type sinend ko na 'to. Hindi nag tagal ng vibrate ang phone. Ng tiningnan ko ito. Tumawag si Fred.

"Hello???"

"Oh! Gurl bakit?"

"Tulungan mo ako."

"Saan nga?"

"Yung ano.. Alam mo na yan eh. Kunwari ka pa"

"Ano nga sabihin mo na gurl go na."

"T-teka may ginagawa ka ba diyan? Busy? "

"Hindi naman sa busy, may gingawa lang"

"Ano?"

"Basta"

"Tsk! Ito kasi 'yun. Tulungan mo ako mapansin ni Earl tutal magaling ka naman diyan diba?"

Ng sinabi ko 'yun. Bigla nalang may tumunog na 'yun bang parang nay nahulog. At saktong may sumigaw sigurado akong si Fred 'yon.

"Oy Fred! Okay ka lang 'ba? "

stalked | aldub (#Watty's 2015)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!