One Shot

18 3 0

Rish Kyu PoV

Bata pa lang kami lage na nya akong inaaway. Pagnakakasalubong ko sya lage nya akong tinutukso. Kahit sa facebook lage nya akong pinagtitripan.

Hindi ko alam kung gago ba sya o sadyang gago lang talaga.

------

Nagsimula ang lahat noong six years old pa lang ako tapos sya naman eigth years old. Bagong lipat kami noon at wala pa akong kakilala.

Madalas ang mga batang kaedad ko tumatambay sa labas ng bahay namin. May nakilala akong batang babae hindi sya mabait pero nagkakasundo kami. Ang hindi ko nga lang alam kapatid nya pala yung lalaking lagi akong inaaway. May palayaw nga silang binigay sa akin "ilong" . O diba? Ang ganda. Sa sobrang ganda halos ayaw ko ng lumabas ng bahay.

Ngayon 16 na ako, 18 naman sya.

Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin at hindi na nya ako nilalait ngayon. E kasi naman sa halos sampung taong lumipas ganun ang gawain nya. Lagi nya pa rin akong tinatawag na ilong. Masakit sa puso pero nasanay na rin ako. Nabasa ko nga sa facebook

'pag matangos ang ilong: POINTED NOSE.

'pag pango naman: DISAPOINTED NOSE.

Hindi naman ako disapointed, nanghihinayang lang. XD

-----

Dahil finals na kailangan magpursige sa study. Sa dami ba naman ng projects na binigay nila Maam&Sir hindi ko na alam alin uunahin. May mga homeworks pa. Magaling -____- .

Dito ko gusto sa library mag-aral bukod sa madaming books may aircon pa. Ang init kaya sa labas. Minsan nga kahit hindi ako nag-aaral pero pag vacant ko dito ako tumatambay (hoping na sana mas pumuti. Orayt)

Nasa pinakatatagong lugar ako naupo para walang asungot.

Asungot. Yun ang akala ko. -___- himalang napadpad ang kumag sa library. Baka nakalimutan ang daan.

Aalis na sana ako para maghanap ng bagong mauupoan.

"Pssst. Ilong" bulong ng gago.

Bahala ka jan sa buhay mo, unggoy ka!

"Hoy. Sandali nga~" lumingon na ako dahil baka mapalabas pa kami ng Librarian.

"Assuming. Hindi ikaw tinatawag ko. Ahahaha" tumatawa sya ng pigil na akala mo kinikiliti sya.

Wow. Sarap manuntok ng tao mamen. Buset

"Bunot!" Galit na sabi ko. Malamang, sayo ba naman gawin yun. Wala talagang magawa sa buhay ang bunot na yun.

Okey. Inhale, exhale. Kalma lang Rish. Wag mo sirain araw mo dahil lang sa baliw na yun.

Nagbasa nalang ulit ako ng notes ko.

"Sakit na ng ulo ko." Mahinang sabi ko sa sarili ko.

"Ito, biscuit." Inabot nya sa akin yung biscuit.

Ayaw ko ngang tanggapin. Pagkatapos nya ako ipahiya. Buti konte lang yung nakakita kanina.

Binuksan nya yung dala nyang biscuit sa harapan ko. Nakiupo na din kasi ang mokong dito sa inuupoan ko. Tss!

"Sige na. Peace offering ko yan ツ"
Kung hindi lang ako gutom hindi ko ito kakainin e.

"Akin na nga. Ikaw pa yata uubos e."

"Walang anuman." Nakangiti pa sya habang sinasabi nya.

Hmm. May sakit yata to. Bakit biglang bumait?

My best-enemy forever (oneshot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!