Chapter 5 - Unexpected Kiss

10 0 0

~Nate~

*phone beeps and vibrates*

Napadilat ako bigla sa tunog ng phone ko. What time is it--F*ck. 12pm? Tanghali na pala.

Thursday ngayon pero suspended nanaman dahil malakas pa rin talaga yong ulan.

Tinignan ko yong caller ID ng phone ko at nakita kong si Kevin pala yong tumatawag. Isa sa mga ka-close ko.

"Anong kailangan mo?" Sabi ko pagkasagot ko ng phone.

[Wow. Good Afternoon ah? Ganda naman ng bati mo sakin.] Sarcastic niya pang sabi.

"Tch. Ano ngang kailangan mo? Natutulog pa ko eh."

[Hoy, tanghali na! Kita tayo sa Dream Bar mamayang 5pm ah? Be there! Kasama si Brandon at Jason.]

"Anong meron?" Tanong ko kahit alam ko naman kung ano.

[Di mo alam? Grabe, pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin? Anong klase kang--]

"Leche ka, tumahimik ka na! Puro ka drama! Alam ko, alam kong 56th birthday mo. Hahaha! Matanda ka na, palaka!"

[Hoy, maka 56 ka naman jan! 21 pa lang. Pwede ba? Wag OA. Mag punta ka mamaya ah.]

"Ayoko." Kahit pupunta naman talaga ako.

[G*go, hindi ako nag tatanong! Nag dedemand ako! Mag punta ka!]

"Oo! Alam ko! Pupunta nga ako."

[Siguraduhin mo ah? Aasahan kita mamaya. Geh, bro. Bye! See you!]

*toot* *toot*

Nag-stretching muna ako tsaka bumangon. Isama ko kaya si Abby mamaya? Tutal close din naman yon sa mga kaibigan kong lalaki at siguradong sigurado akong magugustuhan ni Kevin na makita si Abby don.

Tch. Sandali lang. Wag na lang pala. Bar pala yon. Baka may mga manyak pa don. Ayokong makipag away dahil hindi ako ganong klaseng tao na mahilig makipag basagan ng ulo. Kung kaya naman na di makipag away, bat makikipag away pa, diba?

Maganda si Abby. Sexy at malakas pa ang charm. Hindi impossibleng may mambastos sakaniya sa bar. Hindi pwede. Walang pwedeng mambastos o manakit sakaniya.

Kahapon nga pala, medyo humina yong ulan. Mga bandang 8pm. Kaya inuwi ko na si Abby. Ginamit namin kotse ko, kukunin niya na lang sasakyan niya dito sa susunod na bisita niya.

Nag stay din ako sakanila ng mga isang oras at sumabay na din sa dinner ng parents niya.

Kaya yon, pag uwi ko dito, para akong lumilipad sa cloud nine.

Hindi ko na ma-explain yong nararamdaman ko. Mahal na mahal ko talaga si Abby. Higit pa sa pagkakaibigan tong nararamdaman ko.

Sayang Lucas. Sinasayang mo ang isang napakaganda at napaka bait na babae. Pasalamat ka ikaw gusto niya.

Pero ganon kasi talaga, di matuturuan ang puso. Kung ako na lang sana yong minahal mo, Abby. Hindi kita sasaktan at mamahalin lang kita lalo. Kaya lang hindi kasi ako yong laman ng puso mo eh.

Sana ako na lang. Ako na lang, Abby.

***

4:30 pm na at naghahanda na ako para makaalis na.
Kinuha ko lang yong raincoat at payong ko tsaka ako sumakay sa sasakyan ko at umalis.

"Sir! San po kayo pupunta?" Pahabol na tanong pa ng maid.

"Party."

"Nino?"

A Tragic Love StoryRead this story for FREE!