Simula

3.5K 50 3

Simula

Third Persons Point of view.

Year 1973

Isang batang babae na may edad walang taong gulang ang pumunta sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay. Maganda ang batang babae, katamtaman lang tangkad niya para sa walang taong gulang at mahaba ang kanyang medyo wavy na buhok.

Halata mo sa bata ang pagkalungkot sa kanyang mga mata. Umupo siya sa lilim ng isang malaking puno. Nakatingin lang siya sa langit at iniiisip ang sinabi ng kanyang ina matapos siyang isugod sa hospital dahil sa matinding sakit ng ulo at pag susuka ilang araw na ang nakalilipas.

"Anak, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sakin. Wala akong pakielam kung maubos man lahat ng pera natin, ang importante sakin ay ikaw. Ikaw na lang ang natitira sakin at ayokong pati ikaw ay mawala pa." sabi nito sa kanya habang patuloy ang pag iyak nito sa kanyang mga balikat.

Wala siyang maintindihan kung bakit sinasabi ito ng kanyang ina pero ramdam niya ang sariling lungkot at kalungkutan nito para sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Parang gusto niyang maiyak sa hindi malamang dahilan.

"Hello, bata! Pwede bang makiupo sa tabi mo?" biglang sulpot ng batang lalaki sa tabi niya na may hawak pang lollipop. Tiningan niya mabuti ang bata, may pag ka brownish ang buhok nito at kitang kita niya ang kulay abo nitong mga mata na nakatingin lamang sa kanya.

Tumango naman siya.

"Ah sige, aalis na rin naman ako eh." Akmang tatayo na siya para umalis nang pinigilan siya bigla ng bata. "Huwag! Dito ka muna. Wala kasi akong makausap doon sa bahay namin kaya naisipan ko munang mag gala gala. Inip na kasi talaga ko doon eh, hindi nila ko pinapansin. Tapos ito napadpad na ko dito sa bakanteng lote, nakita kita. By the way, I'm Eiszrael Richard Gibson. 9 years old. Bagong lipat lang kami dito. Nice to meet you!" Masiglang sabi nito sa kanya sabay abot ng isang lollipop.

"Para saan naman 'to?" Tanong niya at kinuha ng lollipop na bigay sa kanya. Naguguluhan siya sa asal ng batang lalaki. Ngayon lang naman sila nag kakilala pero kung makapag usap ito sa kanya ay parang matagal na silang mag kaibigan.

Kaibigan. Isang bagay na hindi pa siya nag kakaroon.

"Mukhang malungkot ka kasi. At kapag malungkot ang isang tao, kaylangan niya lang kumain ng matatamis na pagkain para sumaya siya. Dahil ang asukal na laman nito ay nakakapag patamis ng buhay. Sabi iyan ng Mama ko!"

Napangiti naman siya. "Salamat." Binalatan niya ang lollipalop na binigay nito at nang matikman niya ang tamis nito sa bibig niya ay parang gumaan nga ang pakiramdam niya kahit papaano.

"Ano nga pala ang pangalan mo, bata?" Umupo na ito sa mismong tabi niya.

"Addison Maxine Lopez." Sagot niya at tumango naman si Eiszael at ngumiti.

Hindi nila alam na ng mismong araw na iyon ay pawa silang mga kaluluwa na natagpuan ang isa't isa matapos ang mahabang panahon. The wind blew an air making the leaves fall from it's braches. Maaliwalas ang paligid. Ang araw ay sumisilay sa likod ng puno kung saan sila ay nakaupo habang ang mga tuyong dahon ay nabagsak sa kanilang direksyon.

A beautiful scenario. A beautiful start of something new.

Year 1984

Nandito muli si Addison sa kanilang tambayan ni Eiszrael. Mula nang mag kakilala sila ay ito na ang naging tamabayan nilang dalawa. Maraming nangyari sa buhay nila sa mga taong nag daan. Fourth year high school na siya ngayong taon, samantalang si Eiszrael naman ay first year college na sa kursong Business Management. Naging busy din ang dalawa sa kanilang sari-sariling buhay, pero hindi nila nakakalimutan na mag bonding araw araw pagkatapos ng kanilang mga klase.

Love is not Over (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!