13th of September

49 4 1

I hope you like it! :)

~×~

13th of September ng mag umpisa ang lahat. Lahat lahat ng tungkol sa ating dalawa.

13th of September 2011, nung una tayong nagkakilala. Sinungitan mo pa nga ako nun, kaya masyado akong nainis sa'yo. Pano ba naman, naka earphone ka eh tinatanong kita kung san 'yung room 143 pero hindi mo ako pinansin, kahit na dalawang beses kitang kinalabit sa braso. Kakatransfer ko lang kasi kaya hindi ko alam kung saan ang room na 'yun.

At sa malupit na tadhana, magkaklase pa tayo. Masyadong mabilis ang pangyayari at tayong dalawa pa ang napili para maging patner sa isang project.

13th of September 2011, nung una 'din tayong magkausap, at magkakilala. Hindi ka pala gaanong masungit, mabait kadin naman pala.

13th of September 2011, nung una mong sinambit ang pangalan ko. Nung una kong sinambit ang pangalan mo, nung una nating pagkwekwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Madaldal ka din pala, wala sa itsura.

Naging super close na tayo simula ng araw na 'yun. Inaasar na nga tayo ng mga kaklase natin na kung tayo na daw ba, napapangiti ka nalang habang ako asar na asar sa mga kaklase kong nakangiti sa akin na para bang tanga.

Simula nun ay naging mag kaibigan na tayo. Palagi nadin tayong magkasabay umuwi, mag lunch, at kung ano ano pang kalokohan.

13th of September 2012, eto ang simula nung naramdaman ko ang kakaibang feelings na 'to para sayo. Hindi ko alam, kung bakit ganto ang nararamdaman ko.

Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko alam na sa tuwing ngingiti ka ay napapangiti nadin ako. At sa tuwing mag jojoke ka kahit korni ay tatawa padin ako na para bang muka akong tanga.

Minsan nahihiya na ako sayo, sa tuwing aakbayan mo ako habang naglalakad tayo. Hindi ko mapigilan ang kilig na nadadama ko. Hindi ko alam ano bang ginawa mo sa akin?

Sa tuwing hahawakan mo 'yung kamay ko at sasabihin mo sa akin na halatang tamad ako dahil ang lambot ng kamay ko. Siguro daw ay hindi ako naglilinis sa bahay. Natatawa nalang ako, at nahuhulog hulog dahil sayo.

Sa tuwing sasambitin mo paulit ulit ang pangalan ko sa tuwing mag kokopyahan tayo. Lalo lang akong nahuhulog sa malalim na balon, at hindi na ako makaahon pa.

Sa tuwing yayain mo ako sa mga kagaguhan mo, naaalala ko pa nga nung niyaya mo akong mag cutting sa klase, at hindi ako nakapag pigil at sumama ako sa'yo habang hawak hawak mo ang kamay ko. At nung tumalon ako sa bakod, kaagad mo akong sinapo.

Sasapuhin mo din kaya ako kapag sinabi ko sayo 'tong nararamdaman ko?

13th of September 2013, nung araw na nag pasya akong umamin na sa'yo. Isang taon nadin kasi ang lumipas simula ng itago ko 'tong nararamdaman ko sayo.

Napakabilis ng pangyayari at sinabi mo 'din na gusto mo 'din ako. Sobra akong natutuwa, para bang kumpleto na ang buhay ko. Napaka saya ko nung araw na 'yun.

Simula nun ay sinumulan mo na din akong ligawan. Naaalala ko pa ng binigyan mo ako ng chocolates, pero yung kalahati ay ikaw din ang kumain. Naaalala ko ng bigyan mo ako ng malaking teddy bear sabay sabi sa akin ng mahal na mahal kita.

Naaalala ko ng dalhin mo ako sa fireworks display at sabay tayong nanunuod, habang kumakain ng favorite nating dalawa na clover chips. At padamihan pa tayo ng cheese sa daliri nun.

Naaalala ko pa nung nagparamihan tayo ng kanin sa Unlimited rice na ang ulam ay ang favorite din nating dalawa na fried chicken, at ayun natalo ako dahil naka limang kanin lang ako samantalang ikaw ay walong kanin. Busog na busog ako ng araw na 'yun.

13th of September 2014, nung sinagot na kita. At halos humiyaw kana sa saya, at yun din yung una mo akong hinalikan ng mabilis. Kaagad nga kitang hinampas sa braso at tumawa ka lang ng tumawa.

Simula nun ay naging partners in crime na tayong dalawa. Palagi tayong masaya na para bang tayo lang ang tao sa mundo.

Naaalala ko pa nung una nating LQ, nung nag selos ka sa kaklase na ting lapit ng lapit sa akin. Inaway mo ako nun, at nainis ako sayo. Masyado ka kasing seloso, at sa huli ikaw din ang nag sorry. At pagkatapos nun, tinawanan nalang natin ang pag aaway natin.

Naaalala ko pa, nung pumunta tayo sa theme park at halos sinakyan natin lahat ng rides. Nakakatakot pero sinabi mo lang sakin na sumigaw ka, para mawala ang kaba mo. Sinabi mo din sa akin na sabay tayong sumigaw ng, 'iloveyou' at pangalan nating dalawa.

Rinig na rinig ko ang pangalang hinihiyaw mo, natutuwa ako. At ang huli nating sinakyan ay ang ferris wheel, at hinalikan mo ako ng matagal nun. Yun na ata ang pinaka masaya, at nung pag uwi natin ay isunuot mo sakin ang napaka gandang necklace.

Naaalala ko pa, nung valentines ay gumawa ka ng isang love letter at binigayan mo ako ng boquet of sunflower, at isang box ng chocolate cake na sabay nating kinain. Alam na alam mo talaga ang paborito kong bulaklak at flavor ng cake. Binigyan naman kita ng isang couple ring, at nasakin naman ang kabiyak.

13th of September 2015, ang araw na nalaman kong may sakit ka sa puso at stage 4 na.

Naaalala ko pa ng sinabi mo na marami ka pang pangarap sa buhay. Nung pilit mong sinasabi na ayaw mo pang mamatay, at ayaw mo pa kaming iwan. Kitang kita ko ang bawat patak ng luha sa mga mata mo.

Naaalala ko nung sinabi mo sa akin na ako ang nagpapalakas sa'yo. Naaalala ko pa ng hawakan mo ang kamay ko at hinalikan ito. Sabay ng pagluha ko, at pagluha mo.

Naaalala ko pa nung nawawalan ka na ng pag-asa. Humihina na din ang katawan mo at lalo ka ng pumapayat. Naaalala ko ng sabihin mo sakin na maghanap nalang ako ng iba, at wag nalang siya.

Naaalala ko ng sabihin mo sa akin na sukong suko kana. Pero ayaw mo akong iwanang mag isa kaya lumalaban kapa.

Naaalala ko pa ng kinantahan kita ng 'heaven' at napapangiti ka nalang habang umiiyak. Niyakap kita ng mahigpit pero ramdam ko ang kapayatan mo.

Naaalala ko pa ng sabihin mo sa akin na mahal na mahal mo ako. Habang may pumapatak na luha sa mata mo.

13th of September 2016, ang araw na huli na pala kitang makikita.. ang huling kita ko sa masaya mong ngiti.. ang huling rinig sa boses mo..

Ang araw na hiniling mong pumunta tayong dalawa sa rooftop ng hospital. Tinanong kita kung bakit gusto mong pumunta dito, ang sabi mo gusto mong makaamoy ng fresh na hangin. Ang araw na hawakan mo kamay ko at sabihin na..

"Mahal, hindi ko na kaya. Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko, maghanap ka na ng taong mamahalin mo, ng sobra at sobra kang mamahalin. Mahal na mahal kita hanggang sa huli kong hininga."

At unti unti kong naramdaman ang pagluwag ng kapit mo sa kamay ko kasabay ang huli mong pag ngiti sa akin.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Paalam na, mahal.."

13th of September nung una tayo nagkakilala, at ang huli nating pagkikita..

The end~

13th of September (Oneshot)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!