Hindi nga mawala ang takot sa puso ni Suzy, dahil sa nabasa niyang reaksyon ni HaHa. Lalo pa nga itong titindi ng dumating si Jae-suk na kasama ni Jong-kook. Umiiyak nga si Jae-suk dahil sa nasaksihan pagpatay kay Suk-jin. Magsasalita nga sana si Jong-kook. Ngunit sinenyasan siya ni HaHa, dahil kay Suzy. Dahil nga sa sobrang takot ay tuluyan na nasiraan ng bait si Suzy. Bigla na lang siyang tumawa, at biglang kumanta:

Good bye, baby good bye, Dwidoraseo geudaero apuero gamyeon dwae, Amureon maldo (maldo) haji malgo (malgo), Idaero sarajyeo juneun geoya Baby good bye, good bye... –kanta ni Suzy

Dahil doon ay tumakbo palayo si Hyo-joo na umiiyak. Hinabol naman siya ni Kwang-soo, at nang abutan ay niyakap niya ito. Sinundan naman sila ni Jong-kook. Pilit naman na pinagagaan ni HaHa ang loob ni Jae-suk.

Nag-umpisa namang maghanap sila Ji-hyo at Gary. Nasabi nga ni Gary.

Nawalan na ng pag-asa si Suzy. Nabaliw na. Naghihintay na lang siya ng kamatayan. –sabi ni Gary

Lahat naman tayo naghihintay lang ng kamatayan dito. Kaya Gary tumakas na tayo. –sabi ni Ji-hyo

At ano iiwan natin ang mga kasama. –sabi ni Gary

Kesa mamatay tayong lahat. Kailangan makatakas kahit isa sa atin. Humingi tayo ng tulong sa sa labas, militar. –sabi ni Ji-hyo

Nagustuhan nga ni Gary ang sinabi ni Ji-hyo. Humanap nga sila ng mga daan palabas sa camping grounds.

Sinamahan nga nila Jong-kook at Kwang-soo si Hyo-joo. Pilit nila itong kino-comfort sa kabila ng hopeless nilang sitwasyon.

Tahan na. –sabi ni Jong-kook

Salamat ha at pina-gagaan niyo ang loob ko –sabi ni Hyo-joo

Huwag ka nang umiyak, magiging okay din ang lahat. –sabi ni Kwang-soo

Hindi naman ako umiiyak, dahil sa sarili ko. Tignan niyo si Suzy. Nawalan na siya ng pag-asa. Nabaliw dahil sa sobrang takot. –sabi ni Hyo-joo

Nawalan ka na rin ba ng pag-asa? –sabi ni Jong-kook

Hindi, hindi ako magiging pagkain ng mga pesteng yan. Hindi ngayon, hindi kailanman! –sabi ni Hyo-joo

Nakakita nga ng daan sila Ji-hyo sa kanilang paghahanap. Ngunit nakita sila ng isang alien, ngunit nasa anyong tao.

Saan kayo pupuntang dalawa. Hindi kayo makakatakas. –sabi ng alien

Sinuntok nga siya ni Gary at tumakbo sila palayo ni Ji-hyo. Hinabol nga sila ng alien sa alien form nito. Tinangka nga niyang saksakin si Gary ng kaniyang buntot. Ngunit nakailag si Gary at nahawakan ang buntot nito. Sumakay naman si Ji-hyo sa likod ng alien at tinanggal ang mga pakpak nito.

Sa sobrang pagpupumiglas nito ay nabali ni Gary buntot nito. Ngayon nga ay patuloy itong nagwawala at nanganganib si Ji-hyo. Agad ngang nag-isip si Gary. Ibinato niya ang talim ng buntot nito at tumama sa maselang bahagi ng alien, sa leeg nito. Tumarak ang talim na agad nitong ikinamatay.

Daebak –sabi ni Ji-hyo

Ngunit naramdaman nila na may paparating na mga alien. Isa nga lang sa kanila ang maaaring tumakas. Sinabi nga ni Ji-hyo na si Gary ang dapat tumakas. Hindi nga sila maaring parehong tumakas dahil mahuhuli sila pareho. At ganoon nga ang nangyari na tumakas si Gary. Nagtago naman si Ji-hyo, upang maka-iwas sa mga alien.

Hindi nga nanatili sa isang lugar ang mga natiirang runners. Magkakasama sila Hyo-joo, Kwang-soo, Jong-kook at Suzy. Si HaHa at Jae-suk naman ay patuloy na naghahanap ng salitang saved. Ngunit ang oras ni Suzy ay dumating na.

Bigla ngang lumitaw ang queen alien sa ibabaw nila Kwang-soo. Agad nga hinigop ang ulo ni Suzy. Nang makuha na niya ito ay binagsak lang nito ang katawan. Unti-unti ngang naglakad palayo sila Jong-kook. Dumating nga ang ibang mga alien at sinimulang kainin at pagpira-pirasohin ang katawan. Tumakbo na nga palayo ang tatlo.

Suzy Out, Suzy Out –sabi ng announcer

Dali-dali ngang nagtungo sila HaHa at Jae-suk kay la Hyo-joo. Nang magkita sila ay naabutan nilang umiiyak si Kwang-soo. Nasaksihan nga niya ang pagkapugot ng ulo ni Suzy, at pagluray sa katawan nito.

Nanatili ngang positibo si Jong-kook at Hyo-joo.

Hindi ito maaari, hind pwedeng ganito. –sabi ni Hyo-joo

Hindi pwedeng wala silang kahinaan –sabi ni Jong-kook

Nag-alala naman si Jae-suk sa mga nangyari.

Dalawa na ang patay, tatlo naman ang nawawala. –sabi ni Jae-suk

Ang tatlo ngang nawawala ay si Eun-hye na hindi pa rin nakikita. Si Ji-hyo na nagtatago dahil sa nakapatay sila ng alien, at si Gary, na tuluyan ng nakalabas ng camping grounds at ligtas na. Ang kahinaan ngang hinahanap nila Jong-kook at Hyo-joo ay alam ni Ji-hyo. Ngunit malayo sila sa isa't-isa. Malalaman din kaya nila ang kahinaan ng mga alien?


STORY NO. 32 (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!