Part 1

5 0 0
                                    

(Stellar POV)

"Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh !!!!!!

Guyyyyyysssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss !!!!!!!!!!!!"

Agad akong lumabas sa kwarto ng marinig ko ang malakas na sigaw ng isang halimaw, nakita ko naman na nagsilabasan din yung ibang diyosa sa kanilang kaharian.

Nakita ko ang halimaw na umiiyak habang nakasandal sa pinto, talagang feel na feel ang pag iyak niya kasi unti-unti siyang umupo habang ang kaliwang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig at ang isa ay nakalagay sa part ng kanyang dibdib. Nagdududa nga ako kung may puso ba itong taong to'

"Hoy Babae ! ano bang nangyari sa iyo?"nagtatakang tanong ni Zuchel sa kanya.

Si Zuchel pala ang pinaka-cute sa aming magbarkada, lapitin din siya ng mga lalaki dahil sa pagka-friendly niya,pero may pagkaprangka din, at marami na siyang naging boyfriend pero isa lang atah yung sineryoso niya, matalino din siya, at tinaguriang Google ng barkada kasi lahat ata ng tao sa mundo kilala niya. Pero joke lang yun, kilala kasi niya halos yung mga estuyante sa campus at alam pa niya ang background nito, magaling sumayaw at marunong kumanta pero hindi marunong magpractice! ideal man ? kailangan 5'5 above ang height at marunong maglaro ng either basketball o volleyball hehehe. SSC Secretary yan !

"nakita-ko-siya!" Maiiyak iyak niyang sabi

"eh ! nakita mo lang pala e bakit kung makaiyak ka parang hindi ka na sinipot sa kasal mo?" naiinis na tanong ni Aizen sa kanya.

Si Aizen Mikaela Libano, ang makulit sa barkada, hindi naman siya bobo pero talagang ang loading niya, cute rin at ang pinaka-sexy sa aming lima, pero siya rin ang mahilig manTRIP, subrang galing niyang sumayaw esp. sa hiphop kaya nga naging myembro yan ng campus dancetroupe, friendly yan flirty nga lang !.... Ideal man? kahit sino basta kasing height lang niya, gwapo at maypera.

"hi-hin-di niyo kas-si a-a-ko nai-i-intin-di-han" sabi niya tapos humagulhol

"HOY ! SAMANTHA ANOVA ! UMAYOS KA NGA ! HUWAG KANANG MAGDRAMA ! TAMA NA 'YAN ! MABUTI PA'T UMUPO KA NALANG AT E-KWENTO MO SA AMIN ANG NANGYARI" Nakasigawng sabi ni Luna, ang pinaka mainisin sa barkada, maganda rin at ang pinaka matalino sa amin, magaling magtaekwondo yan, athletic din at mahilig magbasa ng libro halos magkapareho kami ng hobby, lapitin din ng mga lalaki dahil sa nag-uumapaw na sex appeal at kabaitan. Hindi yan madaling papatol sa mga lalaking hindi pasok sa taste niya. Ideal man? matalino, gwapo at maypera at yun ang meron sa boyfriend niya ngayon.

Tumungo si Sam sa kusina, uminom ng tubig at umupo sa upuan malapit sa kanya. Huminga siya ng malalim at inayos ang boses.

"Nakita ko si Jason, maybago na siyang girlfriend" malungkot niyang sabi

"e anong problema kung nakita mo sila ?, wala na naman kayo ? o ? ano ? nagseselos ka pa ba sa kanya? Wala ka namang feelings sa kanya diba?" Nakakunot noong tanong ni Luna

Jason? Yun atah yung ex-boyfriend ni Sam, 1 week na atah silang break non, alam naman naming hindi seryoso si sam sa lalaking yun, kasi yung bestfriend atah nong Jason ang crush niya pero hindi naman siya napansin, kaya ng malaman niyang walang interest sa kanya yung crush niya nakipag break siya agad sa boyfriend niya ....

Tsk ! mabuti nga hindi nagkagusto sa kanya yun !

Hahaha hindi naman sa ayaw ko sa kanya, friend at mahal ko parin siya, ayaw ko lang kasing paglaruan niya ang mga boys, siya kasi yung tipong basta gwapo at matalino kahit wala siyang gusto ay papatulan niya, tapos siya kasi yung tipong madaling magsawa at madaling ma-turn off, takot akong makarma siya ! ayyy ! sila pala ... tsk ! eh ikaw ba naman ang sikat na Samantha Anova , maganda at sexy pa, siya ang fashionista sa barkada namin, Oa nga lang ... pero okey lang din kasi ang ka-oahan niya ang isa sa nagpapasaya sa barkada ... Maganda ang boses niya at matalino rin ... Maldita din yan at mahilig mang-insulto pero sweet type naman siyang tao idealistic nga lang ... Ideal Man ? gusto niya sweet type na lalaki but ayaw niyang e treat siyang prinsesa, mahilig sa surprises, mahilig din sa gwapo (?), matalino, mataas at may abs ...

Faces of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon