"Juiceee!" Tawag ko sakaniya.

Lumingon siya sa gawi ko at doon ko lang napagtanto na may nginunguya siyang bubble gum.

"Pagong." Pabalik niyang sabi at tumayo.

Maraming napapatingin sakaniya. Siguro dahil na din sa simpleng porma at mabango niyang amoy. Plus his hair na nakataas at halatang nakawax.

"Grabe ka naman. Parang near to 3 minutes ago pa lang pagkatapos mong tumawag. Matagal na agad 'yun?"

"Oo. You know that I hate waiting but when it comes to you... ugh, let's go." Sabi niya at hinatak ako.

Ang weird neto. Sarap kutusan pero hinayaan ko na. Napapangisi ako sa mga nadadaanan naming babae na halos tumulo na ang laway sa kakatingin kay Juice. Hep! Ako lang ang makakatawag sakaniya ng juice. Magkatunog kasi Jules and Juice. Oh diba!

"Get in."

Pagbubukas niya ng pinto sa passenger's seat ng BMW niya. Buti naman hindi Chevrolet.

"Aye aye master!" Sabi ko at nagsalute bago pumasok.

Kita ko naman ang pagiling at pagngisi niya habang umiikot pata sumakay sa driver's seat. Nakakagaan talaga ng loob ngiti nito.

"Where to go?" Tanong niya.

"Mall!" Excited kong sabi.

"Don't tell me...?" Sabay tingin niya sakin.

Agad naman akong umiling, "Konti lang bibilin ko don't worry. Magd-date tayo!"

Kita ko ang pagkabigla sakaniya. "Date?"

"Uh huh! Friendly date. Kaya lezz go!" Sigaw ko sakaniya kaya pinaharurot niya na ang sasakyan niya.

**

Pagkarating namin sa mall ay hinatak ko muna siya sa fast food. And all eyes on him. Kahiya naman diba? Mukha ata akong alalay neto e!

"Ano gusto mo?"

Tinignan ko muna lahat ng stall. Hmm.

"Sizzling Sisig tsaka turks!" Masaya kong sabi.

"Oh ge, pumila kana dun. Bumili kana. Pipila ako ng akin." Tawa niya kaya naman sumimangot ako. Asar! Akala ko ililibre ako! "I'm just asking. No expectations so that you won't get hurt." Tawa niyang muli.

Sa inis ko ay hinampas ko siya.

"Sino kaya kase nagsabi na 'Okay. I'll treat you tomorrow just stop crying!'"

Napapoker face siya sa sinabi kong 'yun.

"Sino ba nang hindi maiinis kung gabi gabi ka umiiyak at tatawag sakin tapos puro pangalan ng gago mong ex ang binabanggit mo?" Ramdam ko ang inis sa boses niya.

Natahimik ako. Siya naman ay nakatingin lang sakin using his cold stare. Sheez, napaiwas na lang ako ng tingin. Nakakatakot e. After ilang seconds ay nagsalita na din ako.

"Okay. Tama na. Kaya nga nandito tayo para maaliw. Ge na, ako na bibili." Sabi ko at tumalikod.

Naramdaman ko naman na hinigit niya ako palapit at niyakap ako.

"I'm sorry. Just can't help it especially when I'm remembering that every night you're crying because of him."

"Sorry..." Sabi ko sakaniya.

Humiwalay siya at nginitian ako. "Let's go. I'll go with you buying your food."

Pumila na kami sa sizzling sisig at sa turks. Pagkatapos naman ay naghanap ako ng mauupuan namin at siya naman ay umorder ng kaniya.

Campus QueenWhere stories live. Discover now