Chapter 7

245K 2.6K 45
                                    

Chapter Seven

Elle's POV

Maagang maaga pa nung umalis ako ng bahay dahil baka umiyak na naman si Sammy, umiiyak na kasi siya pag iniiwan ko siya akala niya kasi hindi ko na siya babalikan. Minsan okay naman sa kanya pero madalas hindi.

"Good morning,Ma'am Elle." bati sa akin ng mga employee pagdating ko.

"Good Morning rin!" ngiting bati ko naman sa kanila.

Masayang tinatahak ko ang office ko dahil naalala ko nanaman ang sweetness ni Sammy kagabi tumabi kasi siya sa akin matulog at nilalambing ako. Sinusulit ko lang ang mga panahon na baby pa siya dahil soon baka hindi na maglambing.

Pagpasok ko ng office akala ko maaga na ako , may mas maaga pa pala sa akin.

"Good Morning Elle." Nakangiting bati niya pa.

"Tss." irap ko namang sagot sa kanya.

Kita ko naman ang pag palit ng expression niya sa pag kunot ng noo niya. Dumiretso na ako sa table ko and start working.

Nakapagpirma na si Lance ng contract but he will be always to observe about the plan. Halos everyday he's waiting for the interior ng magiging hotel niya that's why tambay siya sa company since our company will be the one to provide everything mula land until the building at doon kilala ang Samuel L.'s. Mga kilalang mga Engineers and Architech ang mga kinuha namin for our company lalo na ngayon halos maraming gustong kumuha ng mga property for their business sa different part of the Philippines.

Buyers have room na magiging office nila for awhile dito sa company since every hour nagpapacheck ang interiors namin sa kanila for the design inside the building, but it's still depends on them if they want to use it dahil karamihan naman sa iba ay busy rin sa company nila kaya our buyers have options naman. Sobrang busy sa company namin kaya nagtataka ako bakit nandito si Lance sa office ko.

After 15 minutes ignoring him since wala talaga siyang mapapala sa akin ay umalis na siya. Maybe pumunta na sa office niya. My office and buyers office are just in one floor. And I don't know if saan nailagay na office si Lance.

Lunch break na at naisipan ko nang kumain at tawagan na rin si Sammy. Palabas na ako ng makasalubong ako ng babaeng matangkad na ang kapal ng eyeshadow at ang blush on tinalo si Lottie ng Princess Sarah.

"Hi Miss, nandyan ba si Lance?" maarteng tanong niya sa akin.

"Wala at hindi ko siya kilala." aalis na sana ako nang hablutin niya ang braso ko.

"Umaayos ka ng pagsagot baka ipatanggal kita sa trabaho mo." naiinis na sagot nito sa akin.

Ako pa talaga ang tinakot niya, hindi niya alam nasa company ko siya. Napataas tuloy ako ng kilay.

"Alam kong nasa loob siya sinabi ng secretary niya kaya papa---"dagdag niya pa sana pero bago niya matuloy hinila ko na ang braso ko at sinabat siya.

"Alam mo naman palang nasa loob tatanong tanong ka, tanga ka ba ? Baka ikaw ang ipalabas ko dito dahil alam mo bang 'no pets allowed' dito at hindi mo kilala ang kausap mo." gigil kong sabi sa kaniya sabay irap at alis.

"Bitch, sira na ang araw ko." Saad ko ng makalayo ako sa bruha na iyon. Magbiro na sila sa lahat wag lang talaga sa taong gutom.

Pagkalabas ko dumiretso ako sa isang restaurant at nagtake out ng lunch. I want to eat my lunch with my babe and my Sammy baby. Nasa gate palang ako ng makita kong tumatakbo si Sammy papunta sa akin.

"Mamaii!" yakap agad na sinalubong niya sa akin.

"Hi baby, where's Tito Will ?" tanong ko rito na agad nitong ikinanguso. Nagtatampo ata.

"He's inside Mamaii.." sagot naman nito pero ngumiti na rin.

Inangat ko naman iyong dala ko at kita ko ang excitement nang makita ito.

"Wow! Chicken ? Come'on Mommy, let eat that , im kinda hungry!"sabi niya habang hinihimas ang baby tummy niya.

"So let's eat." Yaya ko saka kami pumasok sa loob.

Natapos ang lunch date ko with my two boys at ngayon naglalakad na ako papasok ng company. I hope wala na 'yung asungot. Kasalukuyan akong nasa elevator and malapit na ako sa 24th floor at ready na akong lumabas. Pagbukas nung pinto ay gulat pa akong napaatras nang makita ko si Lance na may kahalikan na babae, yung babae kanina. Bakas rin ang gulat sa mga mata nito nang makita ako , naitulak pa nito ang babae pero dinaanan ko lamang sila at pumasok nang office ko. 

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon