I am so much gratified. :D

Chapter 9

Kanina pa talaga gustong bumaba ni Phoebe ng hagdan. Medyo nakaramdam lang siya ng konting sakit ng ulo kaya napaupo siya sa last step ng stairs. Habang nakaupo siya. Tanaw na tanaw niya si Kent na paikot-ikot sa living room.

Aligaga? Problema nito? Pero ang cute niya talaga pag seryoso yung mukha. Naalala niya tuloy nung di pa sila kasal. Hindi naman ito ganun ka-gwapo nung totoy pa eh. Wala nga sa hinagap niya na magiging magandang lalaki si Kent eh.

>>>Flashback 9 years ago

“Ang seryoso mo?” sabi niya kay Kent. Nasa sementeryo sila nun. Magkatabi lang kasi yung puntod ng mga nanay nila. Isang taon na pala ang nakakaraan mula nung maaksidente ang mga ito. Naglalaro silang dalawa ng chess habang ang mga tatay nila ay naglakad-lakad. Naguusap na naman ang mga ito.

“Huh?!” sabi nito na hindi tumitingin sa kanya, na-check mate na naman siya nito. Nakasalamin pa ito noon at may lazy eyes. Payatot at di pa marunong pumorma. Syempre grade 2 pa lang yata sila nun.

“Sabi ko ang serious mo. Nye talo na naman ako. Hay! ” bata  pa lang matalino na talaga si Kent.

“Nasurprise ka pa.” bata pa lang mapang-asar na ito

“Hmpf! At leaset di naman ako payatot”

“Okay lang at least may utak naman”

Simula noon, asaran na sila ng asaran, pero ngayon hindi niya na ito maasar dahil hindi niya naman alam na ang totoy noon ay lalaking pretty boy.

*present*

Nang makabawi sa sakit ng ulo, bumaba na siya ng hagdan at nagulat na lang siya ng hilahin siya ni Kent pababa.

“Hoy! Wait… wait lang anu ba… Kent naman” hinila hila siya nito hanggang sa makarating sa backyard nila. May mga iilang puno doon at isang maliit na swimming pool na hindi naman niya nagagamit dahil hindi naman siya marunong lumangoy.

“Are you and Harley going out?” tanong nito ng derecho.

Naku anong sasabihin ko, eh hindi ba sabi ko kay Harley lalabas kami para hindi nito sabihin sa lahat ang nalalaman niya.

 

“I don’t know” yun na lang naisagot niya. Ayaw niya naman sabihin kay Kent na pinagttripan siya at binablackmail siya ni Harley . Ayaw kasi niya malaman ni Kent yung katangahan niya ng mawala niya yung wallet niya at makita ni Harley.

“You don’t know? Anung klaseng sagot yun? Yes or no lang naman Phoebe”

Yes or no? Para namang napakadali nun. Huhuhuhu Naiipit naman ako sa sitwasyon.

“Maybe yes? Sorry Kent, he said he likes me”

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!