The King of Jerks!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Goodmorning sleepyhead. Though may araw na" sabi ko sa kanya, I've been trying to persuade her to get serious in her studies. I've tried hard to convince her na sa school ko nalang siya mag aral pero ayaw niya, sa kadahilanang ako daw ang presidente doon. Ano'ng masama dun? napalaki akong responsible and I should share it. Strict na kung strict pero para din naman sa ikabubuti ng lahat yun kaya ko ginagawa yun. 

"Kaya nga morning kase may araw di ba?" sagot pa nito, napailing nalang ako, ibang klase talaga magdahilan itong si Lena

"Technically 12am is morning! though it is still morning ng six, it's quite late in the morning"

"Oo na! ikaw na henyo! hmp!" sabi pa nito then she stormed to the kitchen, I felt a lop-sided grin on my lips habang sinundan ko ito ng tingin, napabuntong hininga nalang ako, time to get fix myself and get to school. Marami pang aayusin sa student council ngayon.

_________________________________________________________________

Ran's POV

Pagkababang pagkababa ko palang ng kotse, andun nanaman yung mga taong akala mo ay ngayon lang nakakita ng green ang buhok, ipinagkibit balikat ko lang siguro nagtataka din sila kasi  istrikto sa nursing lalo na sa grooming pero bakit ako? aba siyempre! I fight for my rights! pag sa duty matino naman ako magdamit pero pag school days ganito ako, aba bakit? pag green ba ang buhok mo bobobo ka na ba? hindi naman di ba? so ayun yun kasi talaga ang logic ko heeheehee.

"Good morning Queen Ran!" may mga taong nagbow sa akin, irgs! sa totoo lang ang creepy ng mga ito, queen tawag sa akin as in cosplay queen daw ngek! =_= hindi naman ako si Alodia eh di ba? mas maganda yun sa akin. Although syempre maganda din ako, dinaanan ko lang sila, hindi naman sa snob ako or hindi appreciative ano pero too much na kasi yung ginagawa nilang yun eh hindi naman ako diyos para sambahin.

Nang biglang may rumaragasang sasakyan, okay sige na alam na kung kanino yun! kanino pa ba? eh di sa ever punctual na student president si Rigid Razor Montez ang bwisit na yun! kung makaasta parang siya ang hari ng school, oh well masasabi mo na siguro yun kasi dictador yan eh! tapos may mga parang engot pa siyang followers sa school, kulang nalang magtayo sila ng rebulto niya jan sa gate, gawin nila sana, yung parang oblation sa UP tapos ivavandal ko mouhahahaha!

So anyway nakamasid lang ako dun habang nakita ko na bumaba si Rigid, kinuha nung valet yung susi niya at ipinark sa parking lot yung kotse nito. In fairness to him ang angas ng porsche niya, gaano kaya kayaman itong kumag na ito? tapos binigay yung coat niya, oo ganyan ang president sa school namin, kakaiba ang treatment, may kapa talaga, mala hari ba? =_= ewan ko kung sinong gago ang nagpauso niyan, since first year pa kasi ako si Rigid na ang presidente dito eh, pero tradisyon daw yung cape na yun, matapakan nga minsan para matapilok yang Rigid na yan hohoho *evil laugh*

As usual binigay nanaman sa kanya yung daily duties niya, ang daming paperworks, minsan iniisip ko siguro elyen itong Rigid na ito, paano president's lister siya, ang dami niyang award award at kung anu-ano pang etcheng, tapos siya pa nagpapatakbo halos ng school pati ata school owners takot sa kanya eh, bali-balita pa ay pinapatakbo niya ang isa sa family companies nila. O di sige siya na henyo! =_= prodigy daw ang tawag sa kanya ng mga scientist, yung mga abnormal na tao na...na...wait tignan natin meaning ng prodigy sa dictionary

<scan...>

<scan////>

ayun! prodigy! ay teka mali pedigree anu siya aso? hmm pede na din!  eyun! eto eto na talaga! copy pasted pa yan!

[prod-i-jee]
prod•i•gy–noun,plural-gies.
1.a person, especially a child or young person, having extraordinary talent or ability

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon