Advice daw kuno -___-

28.7K 886 139

Nitong nakaraan madami talagang nanghihingi saakin ng payo. Iisa lang naman ang lagi kong sagot sakanila: ENJOY LANG. HAYAAN NIYO YANG VOTES AND COMMENTS NA YAN.

 Totoo naman kasi. Hindi ako isang pro. Madalas din ang bashers. Pero walang basagan ng trip. Hayaan sila at titigil din naman mga yan. Pareho lang din kayong walang mapapala sa huli.

 Ang kagandahan ng wattpad na hindi nakita ng iba ay madami kang magiging kaibigan. Ang wattpad ay isang site hindi para magpasikat kundi para i-share ang ideas mo. Sa totoo lang kahit nakakastess ang wattpad ngayon ay ayos lang. Kahit papaano ay nakakantanggal pa din naman ito ng stress sa katawan.

 Para sa mga gustong sumubok magsulat, GO LANG NG GO! Ano ngayon kung walang reads? Bakit kami ba may reads din noong una? Wala pa ngang tao sa watty noong panahon namin pero sulat pa din kami kasi nakakatanggal nga ng stress. Swerte niyo na nga ngayon kasi madami ng tao sa watty, ayun nga lang hindi naman maiiwasan ang mga mapanghusga pero keri lang yan. Katulad ng sabi ko walang basagan ng trip.

 -Alamin mo ang story mo.

 -Kilalanin niyo yung characters niyo.

 -Ano bang gusto mong mangyari? Magpaiyak? Magpatawa? Magpakilig? Paganahin ang utak?

 -Kapag gumagawa ng update basahin din ang prev chapter/s.

 -Kapag may nakita kang butas ng story mo, may next chapters pa naman para saraduhan.

 -Ang importante, nag-eenjoy ka.

Advice daw kuno -___-Basahin ang storyang ito ng LIBRE!