Caela.

Hindi na ako nagulat nang maabutan ko silang dalawa na tahimik na nakaupo at nakabihis na ng pambahay. Naunahan pa nila ako!

"Ang bilis ninyo naman." Natatawang saad ko. "Hindi rin kayo excited no?"

"Hindi naman masyado, sis. Slight lang." Natatawang ani ni Sophia. I could see excitement and curiosity in her eyes.

"Dali na sis, upo ka na dito at umpisahan mo na ang magkwento." Tumayo pa si Michie para hilahin ako paupo sa tabi niya.

"Saan ba ako magsisimula?" I decided to tell them everything but I don't know how and where to start.

"Tungkol muna sa pamilya mo." Sagot ni Sophia

Pamilya?

Nakaramdam agad ako ng kalungkutan at pangungulila nang marinig ko ang salitang iyon. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi ako mawawalan ng tinatawag at kinikilalang pamilya.

I am in the verge of crying when I heard Michie saying something.

"Waaaah! Bakit ang lungkot ng aura? May nasabi ba kaming masama, Caela?" Nag-aalalang tanong ni Michie sa akin. Naramdaman ko pa ang paghagod niya sa likod ko.

"Don't worry about me. I just missed my parents." I gave her a weak smile.

"Wag kang mag-alala, Caela. Every vacation naman pwede natin silang dalawin. Tapos kapag may mga mission tayo sa mortal world pwede mo silang puntahan." Nakangiting alo ni Sophia sa akin.

But I was stunned because of what she said. I didn't tell them yet that I am from mortal world. Hindi rin sinabi ni Dindin. Or baka nakalimutan ko lang?

"Oo nga, Caela. H'wag ka ng malungkot dahil pati kami nalulungkot na rin. Paano nangyayaring pati ang kalungkutan mo ay nararamdaman din namin?" takang tanong ni Michie habang matamang nakatingin sa akin.

"Yeah! Kanina ko pa din napapansin 'yun. Don't worry sis, makakapag-bonding din naman kayo." Sabi ni Sophia habang tinatap niya 'yung likod ko.

"Hindi na mangyayari iyon dahil wala na sila. Iniwan na nila ako." Malungkot na sagot ko. And a tear fell from my eyes.

"Hala! Sorry, Caela! Hindi namin alam." Sabay na sagot nilang dalawa. Ramdam ko ang pag-aalala sa kanilang boses.

"Kung gusto mo, huwag ka na lang muna magkwento sa amin. Tsaka na lang kapag handa ka na. Naiintindihan naman namin." Sinserong sabi ni Michie.

"No, kaya ko 'to! Gusto ko na din namang mag-open up sa inyo. Tinanggap ninyo ako dito ng maayos at tinuring ninyo pa akong kaibigan kahit na hindi ninyo pa ako masyadong kilala. Kaya gusto ko ding sabihin sa inyo lahat ng tungkol sakin. Ganoon naman ang magkakaibigan di ba? Walang secret." Sabay ngiti ko sa kanila para mabawasan ang malungkot na aura.

"Waaah! Naiiyak ako. Huhuhu." Ani ni Sophia habang nagpupunas ng mata.

"Arte mo! Hindi ka naman maganda." Asar ni Michie sa kaniya kaya napatawa ako. Kahit paano nabawasan ang lungkot ko. Mabuti na lang at nandito sila.

"Tumigil ka na nga. Pangit mo!"

"Mas pangit ka kaya." Ganting saad ni Sophia.

"Ang kulit ninyo. Pareho kayong maganda!" saway ko sa kanila.

"Yehey. Ayan masaya ka na ulit!" masayang ani ni Michie na ikinataba ng puso ko. She's really a thoughtful friend. Silang dalawa.

"I'm okay. Namimiss ko lang talaga sila. Kahit na hindi nila ako tunay na anak, minahal pa din nila ako. Akala ko nga sila ang totoo kong mga magulang pero hindi pala. At hindi rin ako galit sa kanila dahil lang pinaglihiman nila ako."

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!