CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN

6.1M 114K 495K
                                    

DEIB'S POV

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng maganda at nakakilig na ginawa ko.. hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mainis..

Nababadtrip ako at nangingibabaw ang inis na nararamdaman ko..

Dahil ba umalis na si Taguro??

O dahil sa pinagsasasabi ni Kim???

Pareho... Haaayysss..

Napabuntong-hininga ako matapos kong tanawin ang paglayo ni Taguro..

Nung makaalis na sila ay agad akong nilapitan ni Tob na may nanunuksong tingin..

"Ano na naman yan??" mahinang bulong ko sa kanya at saka ko sinulyapan si Kim na nakatungo pa rin at humihikbi.

"Pakneng sheeet dreee! Hahahahaha! Pakyu ka ulul!" si Tob.

"Inano na naman kita?!" inis kunwaring tanong ko.

"Ulul! Wag kang umasta na parang walang nakakita don sa ginawa mo kay Taguro!"

"Oh e ano naman!?"

"Wooow hahahaha! Pucha dre kung umasta ka ngayon para ka na ring si Taguro ah! Anong feeling dre?! Ano?? Nakakakilig ba??" interesadong interesadong tanong nya at naramdaman ko naman ang unti-unti'ng pagngiti sa mukha ko.

"Oo.." ngiting ngiti'ng sagot ko na tumingin mismo sa mga mata nya at..

"King ina dreeee!!!!"

*POK!!!!*

"A-Aray!!! A-Ano ba! Ano ba!" inis na sigaw ko sa kanya matapos nya akong batukan ng malakas!

"Hahahahaha! Pakyu hahahaha! Bakit mo ginawa yon!" tuwang tuwa'ng tanong nya!

"E bakit mo ko binatukan!"

"Natuwa lang ako ulul! Hahahahaha!"

"Tsk!" inis na singhal ko sa kanya na inambaan pa sya ng batok pero bigla akong natauhan..

Nahagip ng paningin ko si Lee at bigla akong natigilan.

"B-Bukas na lang natin p-pag-usapan.." mahinang sabi ko pa kay Tob. "I-Ihahatid ko muna si Kim.." malakas na sabi ko pa.

"A-Ahh hahahaha.. O-Oo nga pala.." mahinang bulong nya rin.

Nung tanawin ko na sina Lee at Kim ay inalalayan naman ni Lee si Kim papalapit sa akin.

"Kung gusto mo ay ako na lang ang maghahatid sa kanya.." seryosong sagot pa ni Lee. Napatingin naman si Kim sa kanya na parang nagtatanong. Nilingon naman sya ni Lee. "Mapapalayo pa si Deib kung sya ang maghahatid sayo kaya sumabay ka na lang sakin.."

"P-Pero Lee.." mariing tanggi ni Kim.

"Ako na dre.. okay lang.." pilit ang ngiti'ng sabat ko.

"Sigurado ka ba??" tanong naman ni Lee.

"Mmm.. sa tingin ko ay may gusto syang sabihin sakin.." seryoso munit pilit ang ngiti paring sagot ko habang nakatingin kay Kim na agad namang tumungo matapos magtama ang paningin namin.

"S-Sige.. I-Ikaw ang bahala.."

"So pano? Kita kita na lang tayo bukas??" tanong ko pa kunwari kina Lee at Tob.

"Sige sige.. mauuna na ako.. Iisang way lang naman kayo e.. Maaga nga pala ko dito bukas.. kasi may mga aasikasuhin sila Michiko at Migz.. Tutulong ako.." nakangiting sagot ni Tob.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon