Caela.

Sa wakas ay nandito na kami sa loob ng dorm namin. Ipinagpapasalamat ko na bahagyang kumalma na ang puso ko. Masyadong nagreact kanina!

"Minsan na nga lang natin sila makita, napurnada pa." naiiling na ani ni Michie. I felt guilty!

"Sorry na, Mich. Sigurado akong makikita mo pa naman sila dito. Iisang school lang naman ang pinapasukan natin di ba?" lumapit ako sa kaniya at naglalambing na yumakap.

"Hindi mo kasi naiintindihan, Caela. Bihira lamang sila makita ng mga estudyante dito. May special treatment na binibigay sa kanila, since mga royalties sila. Hindi sila hinahayaan na makisalamuha sa mga estudyante dito. Maarte ang council." Nakasimangot na sagot niya.

"I'm sorry Mich." I kissed her cheek. I felt so sorry for her.

Nasanay ako kay Mama na kapag humihingi ng tawad ay hinahalikan ko ang kaniyang pisngi. And gumagana iyon sa kaniya. Sana lang effective din kay Michie.

"Okay, apology accepted. Buti na lang pretty ka." Nangingiting sagot niya kaya napangiti na lang din ako. I hugged her.

"And I'm just kidding, sis. Bago pa lang naman naguumpisa ang pasukan. Alam kong makikita at makikita pa rin natin sila. Malay mo magbago ang isip ng Council!" humilig ako sa balikat niya. Nakita kong nakangiting nakatingin sa amin si Sophia. I smiled at her.

Nakapwesto siya sa sofa na tapat ng inuupuan namin ni Michie.

"Tsaka, ano ka ba Michie? Malapit na ang students leveling at siguradong nandoon sila." Saad ni Sophia.

Students leveling?

"What's that?" kuryosong tanong ko.

"Iyon 'yung way para malaman kung anong level ka na. Kung lumakas ka ba o hindi. May lumalabas na mga animal illusions tapos ang mga iyon ang kakalabanin mo. Kailangan mo silang matalo para sure kang tataas ang level mo. At ang mga animal illusions na iyon ay hindi basta-bastang natatalo ng mga ordinaryong estudyante. Siyempre liban na lang sa mga Superiors. Sisiw lang sa kanila 'yun!"

Sigurado akong magiging exciting iyon!

"Okay. Anong level na kayo?"

"We are both in level 15." Sagot ni Sophia. I saw her eyes saddened.

"Wow ang galing ninyo naman!" pag-aalo ko sa kaniya. I don't want her to be sad.

"Ano ang magaling doon, sis? Level 15 pa lamang kami tapos alam mo ba kung anong level ang pinakamataas?"

65. Ito ang nasa isip ni Sophia.

Tumango ako. "Sixty-five."

"Oo. Sixty fi-. Teka pano mo nalaman?!" nagtatakang tanong niya. Humiwalay pa siya mula sa pagkakayakap ko.

"Hinulaan ko! Hehe."

"Weh? Ang galing ah! Pwede ka na palang pumasang manghuhula, Caela. Hahaha!" natatawang saad ni Sophia.

"Sino ang nasa pinakamataas na level?"

"None other than, the most handsome prince and the leader of Superiors, Dashiell John Lockridge."

*Tug, tug*

Naramdaman ko na naman ang kakaibang tibok ng puso ko.

Just hearing his name, makes my heart beats faster. Natatakot ako dahil baka may malala na pala akong sakit.

"Ahm, siya ba iyong huling pumasok kanina sa caf?"

"Yep. That's him! Ang gwapo diba? Mukhang greek God! Well, lahat naman sila pero siya talaga ang pinaka-gwapo!" kwento ni Sophia habang nagniningning ang mga mata. Halata sa kaniyang kinikilig siya.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!