Parasite

7.2K 302 56
                                    

Isang kagat galing sa isang insekto. Nagsimula sa isang pantal hanggang sa dumami ito. Nagmula sa paa na dumeretso hanggang sa ulo.

Ang kati-kati. Sa sobrang kati 'di ko na mapigilang kamutin ito. Nagsugat na nga ang balat ko at napupudpod na rin ang mga kuko ko.

Kumakatas na ang mga sugat ko at pinakamalala ang sa paa ko. Pakiramdam ko may mga gumagapang sa balat ko. Hindi ko kita sa ibabaw pero sa ilalim nito sigurado ako naruon sila. Maliliit na insekto na pinamahayan ako.

Ang kati-kati. Naiiyak na ako. Nararamdaman ko ang pag-angat nila mula sa mga paa ko papunta sa mga binti ko. Kailan ko silang tanggalin. Kailangan kong putulin.

Nawala na ang nararamdaman ng mga paa ko pero nag-umpisa namang mamaga ang mga kamay ko. Palaki ito nang palaki. Parang punong-puno ng puting likido. Pinagmasdan ko ang mga kamay ko. May gumagalaw sa loob nito. Kailangan ko silang tanggalin. Kailangan kong putulin.

Hinang-hina na ako pero hindi pa rin tapos ang paghihirap ko. Ngayon naman naririnig ko na sila. Parang nasa loob sila ng ulo ko. Parami sila nang parami kaya paingay rin nang paingay. Nakakairita ang ginagawa nilang tunog. Hindi na tuloy ako makatulog. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga. Kaya kailangan ko silang tanggalin. Kailangan kong putulin.

Twisted MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon