THIRTY SIX

42.6K 1.3K 70
                                    

I Don't Understand



Nagising ako sa lakas ng hangin na humahampas sa bintana. Nililipad din nito ang kulay puting kurtina sa loob ng aking silid.

Napa-unat ako ng katawan bago ako tumayo. Namintana ako at tinukod ang aking mga braso doon. Napasinghap ako sa bango ng hanging pang-umaga. It's refreshing to my senses.

Napangiti ako sa tanawing bumungad sa akin. Mangasul-ngasul ang gulpo ng Davao na katulad din ng pagkabughaw ng langit. Kita mula rito ang kumikislap sa kaputian na buhangin. At sa gilid ay ang walang katapusang kagubatan at may bulubundukin sa pinakadulong naaabot ng aking mata.

Hindi ko akalaing may ganitong kagandang rest house si James dito sa Sta. Maria. Mas malayo pa daw ito kesa sa rancho nila Reid. Halos limang oras din ang tinagal ng biyahe namin. Ayon sa kanya, minana pa niya ito sa kanyang mga abuelo na matagal nang namayapa.

Halatang luma na ang bahay ayon na rin sa disenyo nito ngunit malinis pa rin at matibay. Ang mag-asawang matanda na sumalubong sa amin kagabi ang siyang nagmimintina sa bahay na ito. Alagang alaga nila dahil walang makikitang kalat o kahit na anupamang maruming bahagi ng bahay na pangit sa paningin.

Kagabi ay hindi ko naappreciate ang ganda ng tanawin dahil bukod sa pagod na kami sa biyahe ay madilim na rin masyado.

Pero ngayon, nakakagaan sa pakiramdam ang nakikita ng mga mata ko ngayon. I'm so close to nature and I'm loving it.

Katok sa pinto ang sunod kong narinig. Mabilis akong lumapit doon at binuksan iyon.

Ang nakangiting mukha ni Manang Celia ang bumungad sa akin. Siya at ang asawa nitong si Mang Ador ang taga-pangalaga ng bahay na ito.

"Magandang umaga po." bati ko.

"Nako, eh maganda ka pa sa umaga ineng. Halika na at bumaba. Nakagayak na ang almusal. Ikaw na lamang ang hinihintay ng lahat."

Napasinghap ako sabay takip ng aking bibig. Hindi ko namalayan ang oras. Napasarap ata ang tulog ko.

"Sige po mauna na kayo. Maggagayak lang po ako. Pasensya na po at napasarap ang tulog ko. Pakisabi po sa kanila na susunod agad ako. Ipagpaumanhin nyo po talaga."

Mahinang tumawa ang matanda. "Kow, sige lang at huwag kang magmadali. Inakyat lang naman kita at baka kako tulog ka pa o kung gusto mo iakyat ko na lang ang iyong almusal?"

"Nako, hindi na po. Masyadong nakakahiya na sa inyo. Mabilis lang po ako Manang. Limang minuto at bababa na ako."

Tumango ang matanda sa akin ngunit nandun pa rin ang ngiti sa kanyang mga mata. "Oh siya, bababa na ako ineng."

"Sige po."

Mabilis akong nagshower at sinabayan ko na rin ng pagsisipilyo ng ngipin. Katawan lamang ang binasa ko at hindi ko na dinamay ang aking buhok dahil mahihirapan akong magpatuyo nito.

Simpleng floral dress lamang ang sinuot ko at tinali ang aking buhok pataas. Halos tinakbo ko ang hagdan pababa at tinungo ang komedor.

"Sorry." sabi ko at sabay silang nag-angat ng tingin. Sa kabisera si Jack. Sa kanan nito si Wendy at sa kaliwa ay si Gabriel.

Agad na sumilay ang ngiti ni Gabriel at tumayo. Lumapit ito sa akin at humalik sa aking pisngi. Bahagya pa akong nagulat sa kanyang ginawa.

"Good morning, prettyhead."

"Good morning." nahihiya kong tugon. I glanced at Jack at kita ko ang pagkunot lamang ng kanyang noo. Kanina ay nakatitig pa ito sa akin at bahagyang nakaawang ang bibig. Ngayon ay seryoso na ito at mukhang aburido. Ang bilis naman magbago ng mood ng lalakeng ito.

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon