(play na the music at the side ===>)

Max’s POV

Nagising na lang ako bigla ng may narinig akong nag sisigawan

“ang kapal din ng mukha mong pumunta dito noh?! Di mo ba alam ikaw ang dahilan kung bakit nandito si max ngayon!”

“charm.. di ko sinasadya yung mga sinabi ko sakanya kagabi.. nangibabaw lang talaga yung galit ko..”

“kahit na ranz! Nasabi mo na eh! Di mo na mababawi yun! Nasaktan mo nanaman si max! wala ng magbabago dun! Mag sama kayo ni tricia!”

“charm, kumalma ka lang..” sabi ng isang babae

“tss. Pano ko kakalma, ha tricia? Sabihin mo nga sakin kung pano ko kakalma!” sigaw ni charm dun sa tricia.. siguro siya yung girlfriend ni ranz..

“charm, wag mo namang sigawan si tricia!”

“wag mo din akong sigawan! Umalis na nga kayo dito!”

“di pa ba kayo titigil?! Eh kung kayong tatlo kaya paalisin ko dito?!” sigaw ko sakanila

“max, gising ka na pala..” sabi ni charm

“sino ba naman kasing di magigising sa ingay niyong tatlo!” sigaw ko

“max..” si ranz yan -_-

“pwede bang lumabas na muna kayo!” sigaw ko

Di na sila umimik tapos nauna ng lumabas si charm tapos si ranz..

“tricia”

“bakit?”

“pwede bang maiwan ka? G-gusto kitang kausapin..” sabi ko

Nginitian niya ko tapos sinarado niya na yung pinto

“tricia.. sorry ha?” sabi ko