Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)

1.3M 17.8K 1.9K
                                    

DATE POSTED: July 8, 2011

Chapter 05

Kahit hanggang gate pa lamang ng school ang nalalakad ni Phoebe, feeling niya ang layo-layo na ng nilalakad niya. Hindi pa rin kasi siya sinasabayan ni Harley sa paglalakad. Para pa rin itong buntot na sunod lang ng sunod.

"Oh ano na ba? Ganito na lang ba?" humarap na siya dito at nagulat nang makita itong nakangiti. "ANO?!"

"Wala." naglakad naman ito sa harap niya. "This time, you follow me. I know a place."

Place? 

Nauna ito, napansin niyang nagsuot ito ng jacket bago lumabas. Tumawid ito sa kabilang kalsada at pumasok sa eskinta.

Eskinita? San yun pupunta? Hala nakakakaba naman. Mukha pa naman siyang disente pero... pero bakit niya ako pinapasunod sa isang masikip na eskinita? Omayghad.

Hindi naman talaga totoo ang nararamdaman ni Phoebe na takot. Panatag naman talaga ang loob niya pero pinipilit niya ang sarili niya na maging vigilant dahil palagi itong paalala ni manang o ng masungit na si Kent. Gayun pa man, sinundan-sundan niya pa rin ito hanggang sa dulo ng isikinita.

Alam niya ba tong lugar na'to? Naku ha! Baka lugar ng mga drug addict tong pupuntahan namin? O kaya, pub? O kaya malaswang bar or something. Jusko Lord.

Paglabas ng eskinita, napansin niyang napunta lang naman sila sa kabilang street.

Eh shortcut lang naman pala yun kesa dumaan kami sa may highway. Bakit kaya alam niya yung eskinita na yun eh hindi naman siya dito nagaaral dati sa school namin.

"Isabelle!!" naputol ang iniisip niya ng may tumawag sa second name niya. 

Huhhh? Isabelle?

Lumingon siya sa kabilang dako, sa likod gilid ng malaking hotel, nandoon si Harley.

"Ha?" nagduda pa siya kung siya nga yung tinawag ni Harley. "Anong Isabelle? Ako ba yung tinatawag mo?"

"Haha!" gustong mapakamot ni Harley dahil sila lang namang dalawa ang magkasama at si pangalan naman talaga ni Phoebe ang Isabelle. "Well, since 'di mo naman sinabi sa akin yung name mo, eh Isabelle na lang itatawag ko sayo!"

"So, nakita mo envelope ko noh?"

"Halika nga muna kasi dito!" pinapalapit niya si Phoebe sa kinatatayuan niya dahil magkalayo sila at halos nagsisigawan.

"Saan?" duda face naman si Phoebe dahil napaka conspicuous ng lugar. Nasa daan papuntang basement parking ng hotel. "Diyan?"

"Oo dito! Bilisan mo! C'mere." 

Sinundan niya na lang si Harley kahit marami pa siyang ibang naiisip. Bahala na... Bumaba pa sila sa may basement parking. Hindi niya talaga kung saan sila pupunta pero sumunod na lang siya. Wala na naman siyang choice eh.

"Saan ba kasi tayo?"

"Dito." turo ni Harley sa dilim. Napa-duda face si Phoebe.

"Saan?!"

"Dito sa private elevator!" Shhh!"

"Huh?! Private elevator? Elevator"

"Haha! You're being funny. Yes, elevator. Uulit-ulitin ba natin?" seryosong natatawa si Harley at mukhang aliw na aliw kay Phoebe.

"Eh kasi! Bakit di na lang tayo dumaan dun sa lobby, kung mag-hohotel lang din naman tayo? Teka... hotel? Bakit tayo magho-hotel!" napayakap si Phoebe sa sarili "Hindi! Anong binabalak mo?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon