Lalo pang tumaas ang curiosity ni Harley. Fuentabella? 

Binuklat niya din yung mga ibang ID at nagtaka siya, na halos lahat ng nakalagay dito maliban sa school ID ay Bernal-Fuentabella. 

Bernal-Fuentabella? 

Ayaw na sana niyang magbuklat pa, dahil nalaman na naman niya ang pangalan ng babae. Pero sa isip niya, para talagang may mali! Hanggang mabuklat niya sa isang pocket ang lumang papel na parang photocopy lang ng isang certificate.

"Ano 'to?" 

The high court of New Hampshire is hereby issuing a special consideration for the marriage of Phoebe Isabelle C. Bernal and Ken Tomas R. Fuentabella………

What? This paper is like 4 years ago? Marriage? Ang bata naman, teka, Ken Tomas? Diba yun yung itinawag niya kay Kent kanina. They’re married? Totoo ba 'to? O mga bagay na ginagawa lang ng isang fan?

Sinuri niya pa talaga ang papel at hindi alam ni Harley kung bakit binabasa niya hanggang huli. 

Hindi eh. Bernal-Fuentabella. They're not cousins. They're married. Kasal na si Fuentabella.  

Napatawa si Harley. Kahit chuckle, ngayon na lang ulit siya natawa ng ganun.

~

“Wow FIbs! Ang tagal mo!" tumingin-tingin si Jhone sa mga dala ni Phoebe ng sa wakas ay nakapasok na ito ng classroom. "Mabuti at wala pa si Madam Dracula, este, Cagula. Nasaan na ang pinagmamalaki mong project mo?"

“Makinig ka Calissa Jhone de Leon, muntik-muntikan ko na namang maibuking si sungit sa buong sambayanang PIlipino. Nasabi ko na naman ang mabahong pangalan kanina. Lagot na naman ako niyan sa bahay!" bulong ni Phoebe ng makaupo siya.

Pero si Jhone naman ang tumayo. Tumingin ito sa bintana. 

“Huh bakit? Anong nangyari? Pero teka, nasan na yung project? Ayan na si Ma’am Cagula oh?” turo nito sa dulo ng hallway. Naglalakad na nga si Ma’am Cagula. Mabuti na lang at mabagal ito maglakad kaya nakakapagusap pa sila.

"Sheeemay!"

"Ano na ngang nangyari?"

“Oo teka nga ito na! Ganito kasi yun. Diba nasa baba ako, tumawag ka. Tapos madaming tao sa baba--"

"Alam ko na yun. Diba sinabi mo na yun kanina! Nasaan na nga ang project mo. Tska bakit nagalit si sungit?"

"Eto na nga eh. Nagmamadali ka naman kasi. Tumakbo nga kasi ako, tapos may nabangga ako. Or siguro nagkabanggaan lang talaga kami. Nakabangga ko si Harley.”

“Huh? Si Harley? Harley Vilaluz? Akala ko ba hindi mo yun kilala? Nako, tignan mo nga naman ang mga galawang Phoebe!" tumaas pa ng konti ang kilay ng bestfriend ni Phoebe.

“Hindi ko nga kilala! Hay nako." alam ni Phoebe na nagbibiro lang naman si Jhone "Yan ang reason kaya nakilala ko siya. Yung mga tsismosa kasi dun ang lalakas mag-usap, nagpapapansin daw ako sa mga celebrities, kay Kent at ngayon naman daw kay Harley.”

"Tapos? Nasaan ang project?"

"Nabangga nga ako. Tapos huhu nabagsak!"

"What?"

"Oo. ayun yung naging kapalaran nung magandang project ko."

“Maganda ka diyan. O sige na. Eh pano na naman napasok si Kent sa usapan?”

“Ayun nga lumabas kasi siya, nagalit yata, kasi ang totoo niyan, siya yung gumawa ng project ko kagabi.”

“Oh EM Ji? Oh my God! Grabe!!!!" tumayo na naman si Jhone at halos tumalon-talon. "Eto na. This is the start of something new. Something kilig. Kinikilig na ako sa inyong mag-asawa. Yes, nagtutulungan sa gabi, magkayakap sa dilim at…”

Namula si Phoebe.

“HA? Baliw ka Jhon! Anong magkayakap sa dilim? Walang ganung nangyari." putol ni Phoebe. Kahit naalala niya ang itsura ni Kent kagabi at ang "gwapong" silhoutte nito. "Kagabi pa nga, ang totoo, sumigaw-sigaw pa ako para lang i-gawa niya at matapos na. Diba ayaw niya sa maingay. Tapos ayun nga, nabangga ako ni Harley at nahulog si Project, lumabas si Kent kasi nakita kasi yata niya na nasira yung ginawa niya.”

“Wow, Just wow. Improving Phoebe! Very good! Isang celebrity pa talaga ang napili mong gamitin para pagselosin ang asawa mo! Galing mo gurl! I'm so proud of your brain, lumalaki na siya."

"Baliw! Wala akong ganyang intensyon."

“Basta ako, moral support lang ang maibibigay ko sayo! Pinagawa ko na lang rin kasi yung project ko eh, di kita matutulungan sister. Pero nasan na nga yung project mo? Nasira lang, nawala na? Hwag mo sabihing tinapon mo na?”

“Ha hindi, dadalhin yata ni Harley dito pag nagawa niya na." 

“WHAT? Pinagawa mo kay Harley my love ang project mo? Sabi ko na nga ba eh. Galawang Phoebe.”

“Excuse me hindi nuh? Siya naman kaya ang nag-offer! Siya naman daw ang dahilan bakit nasira kaya pumayag na rin ako. Tska di ko rin naman magagawa yun dahil si Kent ang gumawa kagabi. Sana magawa niya agad bago ako tawagin ni Ma’am Cagula. Alphabetical pa naman ang paggawa. At Bernal pa naman ang surname ko."

Pumasok na nga si Ma’am Cagula. At wala man lang preamble nagsimula na rin itong magtawag ng pangalan para sa submission ng light dimmer. Parang natatae naman si Phoebe bawat pangalang matapos. Panay din ang tingin niya sa labas.

“Abueg… Arenas… Apache… Arriola… Ayuran… Baltazar…

Shhit B na!! malapit na ako!! Nasan na ba yung Harley na yun!

"…Basco… Batalyon… Bernabe…

Oh noes, Ako na!!!! Harley!!!!

"… Bernal…”

“Patay na ako Jhone”

 "…Bernal…”

“Anong gagawin ko?” 

Kibit balikat lang si Jhone.

“Phoebe Bernal!! Nasan ang Light dimmer mo?!?!” parang bulkang sumabog na naman tong si ma’am Cagula. Sa isip-isip ni Phoebe parang tripling Kent ang kasungitan nito.

“Ma’am kasi… kasi…” di niya alam ang sasabihin niya.

Biglang bumukas ang pinto.

Sabay-sabay na nagtilian naman ang babae (ate feeling babae) sa Section D.

*later*

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!