••One: Sky••

909 33 4
                                    

One day, napadaan ako sa music room ng school namin. Lunch kasi noon kaya walang tao. Usually, yung sikat na banda ng school ang nagpapraktis dito. Ewan ko ba kung bakit ako pumasok. Parang may kung anong humihila sakin papunta sa loob.

Nakakapanibago ang katahimikan. Wala ang tunog ng instruments. Walang tili ng mga diehard fans nila. At wala ang magandang boses ng crush ko. Si Clark, si Mr. Vocalist at Mr. Right ng buhay ko. Naks naman. Kala mo naman kilala nya ko e no. Imposible. He'd never even met my gaze for once. Meaning, talagang hindi pa nya ako tinitingnan ever.

Sa isang side ng room ay yung acoustic guitar nya. Kulay black, makintab at walang dents. Maingat pala talaga sya sa gamit. Umupo ako at maingat ding binuhat yung gitara. Before I knew, my fingers are strumming the chords of my fave song ng banda nila.

Di rin nagtagal, sumunod na ang mga letra. Hindi pa ako kumakanta sa harap ng ibang tao. Ako lang at ang bathroom ko ang nakakaalam sa hilig ko. Pero sa oras na yon parang hindi ko na naisip na hindi ko dapat ginagamit ang pagmamayari nya. Ang tanging alam ko lang, my voice, my fingers and Clark's guitar strings are dancing in one tune.

"I have found you finally.
What took you so long, my baby?"
How can you not see I've waited so long?
I have found you finally.
Can you look at my eyes and see?
We're destiny."

...

Heartstrings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon