III. PAMAMAALAM

65 7 10
                                                  




"Prinsesa!" muli kong tawag sa kanya. Pero hindi ako nililingon ng Kamahalan. Tumatakbo siya sa isang kalsadang parang walang hanggan ang haba.

Hinabol ko siya ngunit biglang nanakit ang mga binti ko at ako ay nadapa. "Prinsesa!" Bumilis ang takbo ng Kamahalan na parang may kinatatakutan siya.

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakadapa ngunit bago pa ako nakatakbong muli ay bigla na lamang nilamon ng malakas at malaking apoy ang Prinsesa. Hindi ko malaman kung saan nanggaling ang apoy. Bigla nalang itong nagliyab mula sa kawalan at nilamon ng buong-buo ang Kamahalan.

Parang may sumuntok sa dibdib ko sa nakita. "PRINSESA! HINDI!!"


"Anak! Anak!" tinatawag ako nina Ina! Lumingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko sila makita. Nararamdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko...at may tubig na pumatak mula rito. Naramdaman ko rin ang hindi maipaliwanag na tambol ng dibdib ko...para iyong naninikip! Nanginginig din ako.

Muli akong tumingin sa kaninang kinatatayuan ng Prinsesa ngunit tuluyan na siyang nawala at naging abo.

Napaatras ako. Hindi malayong matulad ako sa kinahantungan ng Prinsesa. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito.


"Inang!! Nandito po ako!" sigaw ko.


"Anak! Anak! Gumising ka!"


Gumising? Pero papano? Nagpaikot-ikot ako sa paligid at isang larawan na naman ang nakita ko. Sa hangin ay bigla na lamang lumitaw ang aming bayan---Ang bayan ng Utopia na nababalutan ng apoy! Nakikita ko ang mga tao na nagkakagulo...nagtatakbuhan! At hindi ko maipaliwanag ang mga bumabalot sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Isa lang ang maliwanag...isa iyong emosyong hindi pa nararamdaman sa bayang ito!

Habang nagkakagulo ang lahat ay bigla na lamang nabiyak ang mga lupa. Humampas ang isang higanteng alon na nagpabaha sa buong Utopia. At unti-unting lumubog sa ilalim ng karagatan ang aming bayan. Karamihan ay nalunod....walang nakaligtas ni isa man.


At pinapanood ko ang lahat ng ito mula sa aking kinatatayuan. Ito ba ang sinasabi ng Prinsesa na iligtas ko ang bayan sa paglubog nito?

Napailing-iling ako. Lalong tumindi ang kakaibang emosyong nararamdaman ko. "TAMA NA!! TAMA NA!!!"


"Anak! Gising!!"


Nakarinig ako ng malakas na kalabog. Napadilat ako at agad na napaupo sa aking kinahihigaan. Napasapo ako sa aking ulo...parang may tumutusok rito.


"Anak, kanina ka pa namin ginigising ng Amang mo. Kailangan nating dumalo sa pagtitipon sa palasyo. "Magpapaalam" na ang Prinsesa." wika ni Inang.


Napatingin ako sa paligid. Panaginip lang ang lahat...mabuti naman. Ngunit, sandali---"Magpapaalam" na ang Prinsesa? Pero hindi ba dapat ay meron pa siyang dalawang buwan ng panunungkulan? Bakit bababa na siya sa trono?

Muli kong naalala ang napanaginipan...Hindi naman siguro mangyayari iyon sa Kamahalan.


*********************************************

The Price Of Being A RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon