Chapter 22: Here Comes Trouble

Kisha's POV

"BWAHAHAHAHAHAHA!" Grabe. Ang sakit ng tiyan ko katatawa dahil sa kalagayan ni Van. Eh pano kasi, di ba naka-Legendary Form na siya? Enjoy na enjoy pa sya sa pakpak niya tapos ngayon ang haba-haba ng nguso niya kasi hindi niya alam kung paano siya babalik sa pagiging normal. Oo na, ako na ang weird, kesa mag-alala ako sa kanya, natatawa pa ako. Eh sa nakakatawa naman talaga eh!

"Fuck!! Nagawa mo pa akong pagtawanan ha?" napatigil ako sa pagtawa at tumingin ako sa kanya. Hindi ko na napigilan, napatawa na ulit ako. Inirapan niya lang ako at ibinaling naman ang tingin kay Lolo G... "Di ba libo-libong taon ka ng nagtetrain ng mga Legendary Vampire?! Eh bakit hindi mo alam kung paano ako babalik sa dati?!" bugnot na sabi ni Van...

Nandito kami sa may sala at nakatayo siya, hindi sya pwedeng umupo kasi kahit nakatiklop yung pakpak niya sa likod, malaki pa rin. Katabi ko sa couch si Jiji na tumatawa din. Hahaha! Ang cute cute ni Jiji, tumatawang pusa? San ka pa?

"Apo, nagtetrain lang ako, pagkatapos ko silang turuan ay umaalis na sila at hindi ko na sila muling nakikita"

"Arrgggh! Then how?!" frustrated na sabi ni Van...

Nagkatinginan ako, si Lolo G at si Jiji at...

"PFFFT...BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tumatawa pa kami habang nakaturo kay Van na ngayon ay nakanguso na ulit at nakacross arms. Para siyang bata na binubully...

"Wag niyo nga akong tawanan! Bakit hindi niyo na lang ako tulungan?!" tumigil na kami sa pagtawa kasi mukhang galit na talaga siya. Lumalawak na naman ang aura sa katawan niya at yung pangil na, sobrang puti na halos pwede ka ng manalamin...

"Isa lang ang pwede mong mapagtanungan tungkol sa bagay na 'yan" seryosong sabi niya kaya pati kami ni Jiji na pigil ang tawa ay naging seryoso at napatingin kay Lolo G...

"Sino?"

Tumginin siya sa bawat isa sa amin at...

"Si Google" sabay hagalpak ng pagtawa... "Si Google? Di ba nakakatawa yun? Hahahaha!"

"Was that even a joke?"  tanong ni Van...

"Corny ha"

Si Jiji naman ay umiling-iling lang dahil sa kalokohan ni Lolo G...

Tawa pa rin ng tawa si Lolo G dahil sa sarili nyang joke samantalang nakatingin lang kami sa kanya na nakapoker face. Napansin naman niyang siya lang ang tawa ng tawa kaya tumigil na din siya. He cleared his throat and looked at us seriously. Akala ko magloloko na naman siya pero hindi...

"Tanging si Israel lang ang may alam kung paano"

"Ano?! Anong gusto mong gawin ko?! Tanungin ko siya gaya ng... 'Great great grandlolo, paano bumalik sa pagiging normal?'. Ganun lang ba?!" inis na sabi ni Van. Alam ko namang galit na galit siya kay Israel dahil sa nangyari kay Kiel eh...

"Hindi ko din alam kung paano..."

Napapikit ng mariin si Van. Gusto ko siyang tulungan pero...napatayo ako. Baka makatulong ang naisip ko...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!