Camille, di makalimutan ng mama mo yung pag aalaga ko sayo, Pasado na ako sakanya. Hmm. Alam ko na din bahay nyo. Kahit na tinakot mo pa akong hindi ko pwede malaman. Pero sabe mo nga hindi ka padin pumayag na manligaw ako. Kaya ako nandito. Para papayagin ka. Sabe nya.
Oh..oh. mga chismosa. Oo inalagaan nya ako. Ganto kasi nangyare.,,
Flashback**
Edi Aalagaan kita ^_^
Anooooo?!!!
Nako tamang tama kelangan ko kasing umalis eh. Kelangan ng makakain at gamut ni Camille, Iho maasahan at mapagkakatiwalaan ba kita? Tandaan mo pag may ginawa kang masama. Di ka makakabalik sa eskwelahan nyo ng buhay. Wow! Nakaka hanga si Mama dun ah. Hahaha.
Wag po kayo mag alala Tita Aalagaan ko lang po talaga si Camille.
Epal. Pasikat to kay Mama e. Umalis na din si mama at naiwan kami. May dala syang pag kain kaya kumain muna kami. At since wala naman akong sakit nun nag stay nalang kami sa Sala. Hindi ko sya dadalin sa kwarto kahit gusto kong mahiga dahil pampam sya.
Camille... Umiiwas ka saken. Biglang sabe ni Chris. Alam naman pala nya e.
Ngayon? Sabe ko sakanya aba. FC sya.
Arte mo. Kakainin ba kita? Wag kang umabsent dahil saken. Scholar ka.
Kapal mo. Umabsent ako kasi nakakatamad. Oo scholar ako pero hindi naman isang absent and makakabagsak saken. Nakooo tirisin ko to eh.
At dahil wala naman kaming dapat gawin nanuod nalang kami ng palabas The Fault in the Stars.
Patapos na kami kaya naman sabe ko..
Mas masakit pala minsan pag alam mong mawawala na sya pero walang mas sasakit kapag wala na talaga sya. Kahit gusto mo syang Makita, humingi ng sorry o kaya kausapin sya wala na sya e. Ano pang gagawin mo?
Pero sumagot sya..
Pero diba masakit padin yung nandyan sya. Pero parang wala? Gusto mo syang kausapin pero hindi mo magawa. Gusto mong mag sorry pero hindi sya nakikinig at diba masakita din yung gusto mo syang kausapin pero hindi mo magawa.
Napaisip ako sa sinabe nya.
May nanakit na sayo?
Oo. Sayo? Sagot nya
Sa pag-ibig? Wala pa. Hindi ko hinahayaan saktan ako. Kahit sino. Kahit saan at kahit kelan. Kung makikita ko ang lalaking para saken. Hindi ko sya hahayaan saktan ako.
Hindi mo malalaman na magmamahal ka kung di ka masasaktan. Sabe nya.
Edi hindi ako mag mamahal. Sabe ko, at tumayo na ako para pumunta sa kwarto.
Umuwi ka kung gusto mo O hintayin mo si Mama. Bahala ka.
At pumunta na ako sa kwarto ko.
Hindi ko nga ko mag mamahal? Maiiwasan ba kita.
End of Flashback**
Sinayang mo lang ang oras mo. Hindi isang araw lang mapapapayag mo kong magpaligaw sayo. At wag kang feeling dahil wala naman akong sakit nun kaya meaning hindi mo talaga ako inalagaan.
Totoo naman ah? Chura neto ni Chris.
We'll see.
Nanuod nalang kami ng TV at puro kadramahan nalang sa palabas kaya ayoko ng nanunuod.
May boyfriend ka na Camille?
Wala pa. Sagot ko.
Ahh okay.
Baliw. Sira ulo.
Dumating na si mama, May dalang meryenda ano ba Ma! Kakain lang namin. Ako lang dapat binilan mo wag sya e.
Camille diba wala ka pang boyfriend? Tanong nya ulit. Habang kumakain ng spaghetti na dala ni mama.
Oo nga! Paulit ulit ka aa!!
Edi payagan mo na ako manligaw.
Ayoko.
Ganun? TITAAAAAAAAAAAAAAAA! May boy........
Hindi na nya natuloy dahil tinakpan ko ang bibig nya. Hindi naman narinig ni mama siguro nag banyo sya.
Anong ginagwa mo?
Ayaw mo magpaligaw ibig sabihin may boyfriend kana.
Wala nga..
Eh bakit ayaw mo?
Eh basta,
So meron nga?
Wala,
Edi pumayag kana ^_^
Ayoko,
Ahh Ganun.. TITAAAAAAAAAAAAAAA!!
Ano yun? -Sagot ni Mama
Uwi na daw po sya.
Payag kana? -Chris
Oo na Oo na!
At Yun napa payag nya ako ng isang araw lang.
End of Chapter 7
A/N Ang galing ni Fafa Chris noh? Haha.
OFFICIALLY ON!
-q
KAMU SEDANG MEMBACA
The Player Meets the Game Maker
Fiksi PenggemarWhat if they play the game called LOVE, and players are… the PLAY BOY AND the GAME MAKER herself? Who will win the game? Who will lose? Will they get something out of it? Why they are risking for this?
The First phase
Mulai dari awal
