Chapter 2 - Flashback of My First Love

74 7 13
                                    

Chapter 2

Samantha's POV

“Bangon Sam! Baka ma-late tayo!” –Kuya Zac

Minulat ko mata ko. -_______- every start na ata ng chapter ginigising ako eh. Takte talaga. Nakatulog ako sa kotse. Nakita ko siyang nakabihis na. Psh. Ngayon lang ako ginising. Sabay kasi kaming pumasok. Di naman ganun kalayo ang school.

Chineck ko yung wrist watch ko. ‘7:15 am’ Kaya pa. Naglakad na ko papasok sa bahay. Masyadong malaki ang bahay namin. Tsss.

February na nga pala ngayon at magfo-4th year na ko.

Hindi madali ang buhay ko sa school. Running for Valedictorian ako. Sinusundan naming magkakapatid ang pagiging Valedictorian ni Kuya Daryl. At this year, si Kuya Zac ang Valedictorian. *clap clap*

We have the looks and the brains XD Lels. ALMOST perfect -______- kaso nga lang chickboy sila. At ako naman daw ay may pagka maldita. Which is true. Inaaway ko lahat ng bumabangga sakin. Pero yung malapit lang sa level ko. Kaya ALMOST perfect lang kami. Hahahaha.

Mabilis akong nagpalit. Naka black sleeveless ako na pinatungan ng see-through shirt na white, color orange na shorts at naka converse na low cut na black. Pin-in ko nalang yung bangs ko dahil late na ko. Maganda naman na yung buhok ko eh. Mehehehe ;)

Shiz. Di pwede ma-late ang running for Valedictorian. Sikat pa naman ang school nila Tita. Kaya maraming mata ang nakamasid.

7 mins. akong nagbihis at bumaba na ko. Andun na sila sa kitchen at nagbre-breakfast. Umupo na din ako sa upuan. Alangan namang sa lamesa diba ? Rude yun XD

Andaming nakahanda -______- dalawang pancake at dalawang hotdog lang kinain ko. Strawberry milk shake din *O* i love strawberries.

Tinignan ko yung wrist watch ko. ‘7:30 am’

“Kuya Zac, tara na. Di tayo pwedeng ma-late” tumayo na ko.

“Una na kami kuya ah. Wag na kayong magpa-late” –Kuya Zac

15 mins. kasi ang byahe at may kukunin pa ko sa locker ko.

-*-*-*-*-

“Ma’am, Sir, we’re here” –Driver

May Student’s License kami pero di na kami pinagdrive simula nung naaksidente ako.

Ayan nanaman. Naalala ko nanaman. Kumirot ng onti yung dibdib ko.

‘Ba’t mo kasi ako iniwan?’

Pumikit ako ng mariin dahil ayoko ng maalala ulit yun. Pero pumatak padin yung luha ko galing sa kaliwang mata ko. Pinahid ko agad. ‘I miss you Luigi’

Bumaba na kami. At eto nanaman ang ayoko sa lahat.

“Hi Sam! Hi Zac! Ang pogi mo *O*”

“Hi Samantha! You really are pretty *^*”

“Zac!! Ako nalang girlfriend mo!”

“Bagay tayo Zac!!”

Kinindatan ni kuya yung mga babae. Chickboy tlga. Kaya ngumiti nalang ako at hinila ko siya. Malaki ang campus pero ang sikip dito >____< Male-late kami eh. Kelangan pa naman namin maging mabait. At wala ako sa mood ngayon dahil sa naalala ko.

Habang naglalakad kami may mga nagbubulungan padin.

“Ang ganda talaga ng lahi ng mga Alonzo”

Hay. Whatever. Stating the obvious eh. HAHAHA.

“Kuya Zac, una na ko. May kukunin pa ko sa locker ko eh.” Sabi ko.

Defining Happiness (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon