Chapter 22: Fiancé

3.6M 78K 30.3K
                                    



Ang tagal ko nang nakatitig sa panyo ni Jeydon. Bakit kaya niya 'yon ginawa? At bakit ko rin 'yon ginawa? Bakit ko siya niyakap? Ahhh! Ano bang kahihiyan 'yong ginawa ko? Bakit ko ba kasi naisip na yakapin 'yong abnong 'yon, e. Mamaya isipin na naman no'n, may gusto ako sa kanya. Kasi naman, nadala ako ng emosyon. Tsaka bakit parang naawa pa siya sa 'kin kanina?

Lakas ng saltik no'ng Jeydon na 'yon, e. Bipolar lang ang peg? Minsan, nakakaasar. Minsan naman, nakakatuwa. Kung palagi siyang mabait, baka pwede pa kaming maging magkaibigan. Kaso iyon, babait? Haha... asa pa ako.

Ang tagal ng detention na 'yon. Mas okay na rin pala 'yong na-detention muna ako. Namumula pa rin kasi 'yong pisngi ko, e. Ano na lang ang sasabihin ko kina Mama? Tapos si Kuya Charles pa, for sure, magagalit 'yon. Medyo nawala na rin 'yong bigat sa dibdib ko.

Hays. Bakit kasi gano'n sina Blossom sa 'kin? Wala naman akong ginawa sa kanila, e. Kahit pala umayos na 'yong hitsura ko, trip pa rin nila akong awayin.
Si Marky kaya, bakit wala? Late din naman siya kanina, e. Ang daya, hmpf. Kung sana nasa detention din siya, baka hindi ako nabagot nang ganoon.

"Pwede ka nang lumabas."

Ayun, o! Makakauwi na rin ako. Gutom na ako.
Dumaan muna ako sa locker ko. Kinuha ko 'yong sapatos kong may heels. Magagalit kasi si Mama kapag nakita niyang naka-flat shoes lang ako. Iniwan ko na rin 'yong iba kong gamit para hindi ako mabigatan pauwi.

"Hoy, Betty!"

"Anong ginagawa mo rito?!"

"Kasi dito po ako nag-aaral, Miss Genius."

Pilosopo talaga ng lalaking 'yon. "Alam ko. E, bakit nandito ka pa? Uwian na!"

"Bulag ka ba? May laro kami, nakita mo namang naka-jersey ako, e."

Oo nga, 'no? Hindi ko agad napansin. Sabi nga pala sa 'kin ni Troy na may laro sila.

"Wala kasi akong pakialam sa 'yo, hindi ko tuloy napansin ang suot mo."

"Talaga? Kaya pala kanina, niyakap mo ako?"

Lintek na lalaking 'yon, pinaalala pa. Nahihiya na nga ako sa ginawa ko, e. "Ano bang kailangan mo sa 'kin?" Change topic na lang.

"'Yong panyo ko."

Anong panyo? Ah! 'Yong binigay niya sa 'kin kanina. Kinapa ko muna sa bulsa ko kung nandoon pa.

"Ah, ito? Lalabhan ko muna."

"Huwag na! Akin na!" Hinablot niya bigla sa 'kin 'yong panyo. Anong problema ng lalaking 'to? Tsaka parang may nakalagay na something sa panyo niya?

Ano kaya 'yon?

"May sikreto ka ba riyan sa panyong ayaw mong ipaalam sa 'kin?"

Pinagpawisan siya. Siguro, meron nga. "Ha? Wala... Baka kasi mamaya, gamitin mo pa 'to para gayumahin ako! Tama, ayun!"

"Yuck! Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Tumawa naman siya. "Kunwari ka pa, gustung-gusto mo naman ako."

"Asa!" Sinara ko 'yong locker ko nang malakas para mabingi siya. Malapit kasi siya ro'n, e.

"Ouch!"

Buti nga.

"Ganyan ka ba talaga magpakita ng pagkagusto sa isang lalaki?" Lumapit siya sa 'kin, tinulak ko naman siya palayo. Ang lakas talaga ng saltik, e, abnormal masyado.

"Ganyan ako magpakita ng pagkainis sa isang tao!"

"Pagkatapos kitang tulungan? Tss."

"Sino ba kasing may sabing tulungan mo ako? Kung si Marky pa 'yon, baka masaya pa ako."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon