Prologue

6.7K 193 12
                                    

PROLOGUE

#BetweenMythsAndAces

~

"Move, and I'll shoot your head."

Natigilan ako. I know that voice. Kilalang kilala ko. How can I forget the voice that occupies my mind mostly everyday?

"Drop your weapons." Another voice. Malamang ay galing iyon sa isa sa mga kaibigan niya. None of us move. "I told you to drop your weapons!" Napapikit ako sa sigaw niya. Lalo na noong maramdaman ko ang malamig na bagay sa likod ng ulo ko.

"Drop them." Malamig na utos ko sa mga kaibigan ko. Binigyan nila ako ng 'what the fuck?' look pero seryoso lang ang paningin ko. Marahas silang napabuntung-hininga at sinunod ang sinabi ko. We dropped all our weapons.. well, most of it. Naramdaman ko ang paghila sa 'kin ng isa sa kanila.

"Bakit kayo nandito?" Napatitig ako sa lalaking iyon. "Why would the Dark Monarchy be here?" Madiin niya pang tanong. "I know you planned something. We wanna hear it." Iniiwas ko ang mukha ko nang akmang hahawakan niya ang maskarang suot ko. Hindi niya ito pwede alisin. Lalo na ngayon.

"Fuck. Off." Madiing bulong ko para hindi niya makilala ang boses ko. Malakas kong hinila ang sarili ko mula sa kaniya, and luckily, I did.

"Alam niyong nasa teritoryo namin kayo. We can kill you right here and right now." One of them said.

"We're not scared." That was Red, kasama ko siya, "and of course, you can't kill us. Killing is strictly prohibited by law." She added.

"Then what the fuck are you doing here?" Halatang galit na sila. Death Catastrophe and Dark Monarchy are mortal enemies. There's a reason behind why Death Catastrophe hates our gang to the fullest.

"We want the vault." Si Reign iyon.

"Whatever that vault is, wala sa amin iyon."

"Just give us the vault then we're done." Lanz said using her serious tone.

"We don't know what you're talking about." The man in front of me said using his usual cold voice, "lumayas na kayo. Bago ko pa kayo mapatay." Hearing those words from him makes my heart aches. Kahit ba kapag alam niyang ako si Tharah ay papatayin pa rin niya ako?

Ganon na ba talaga ang galit mo sa 'min, Hate?

"Leave Dark Monarchy. We are giving you three minutes. 'Wag na 'wag na kayong babalik ulit." No. Hindi nila kami pwedeng talikuran. Nagpakahirap kaming pumasok dito sa GWA tas mauuwi lang sa wala?

Hinila ko ang baril kong nakakabit sa holster na nasa hita ko. Itinutok ko iyon kay Hate saka siya binaril sa braso. Daplis lang iyon pero napasigaw siya sa sakit. I'm sorry but I need to do this.

"Shit!" Mura ng mga kasama niya at mabilis na rin kaming tinutukan. Napatingin ako sa mga kasama ko. They are also holding a gun at nakatutok iyon sa Death Catastrophe.

"Sasabihin ko ulit sa inyo. Give us the vault." Madiin at seryosong utos ko sa kaniya saka muling nagpaputok. Pero sa pader ko iyon pinatama.

"Hindi kami tanga, AM. Pagkatapos naming kunin ay ibabalik namin?" Tiningnan ko ang nagsalita non at binaril rin siya. Gaya ng sa leader nila ay daplis lang rin iyon, "fuck!"

"The vault." Malamig na ulit ko.

"Nakakadalawa ka na!" Sigaw ng isa sa kanila, "we don't want to fight you but you are leaving us no choice." Nagkatinginan kaming apat.

Hindi ito ang inaasahan ko..

Ang makipagbakbakan sa Death Catastrophe.. wala ito sa plano ko. Ang gusto ko lang ay makuha ulit ang ninakaw nilang vault.. pero ayaw nilang ibalik. Sabagay. I'm the one who started this. Fuck. Gulo na naman 'to.

~

Prologue is updated.

Please be reminded that this story is revised. This was published 2 or 3 years ago and as you can see, hindi pa rin tapos, haha. Ganiyan po katamad ang otor ng kuwentong ito. Anyway, tatapusin ko pa rin naman 'to kahit aabutin ako ng sampung taon at kahit na walang magbabasa HAHAHA. One of my goals in life is to publish at least one story, and I hope I can. Haha.

Salamat at naligaw ka dito:) - Cyaptain<3

Between Myths And Aces (Gangster World Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon