Blaire's POV
"Dumb Dumb Dumb Dumb Dumb Dumb~" sinong nakanta? Malamang si Twayrem na mukang dora -__- kanina pa yan -__- parang loka loka. Ginamit pa yung suklay para maging mic. -__-
Saturday ngayon, so ibig sabihin pwede kaming lumabas ng school. Kaya nandito kaming apat sa bahay.
"Gotta go!" Dere-deretso si Hail palabas sa bahay. If I know may date lang sila nung Sky na yon. Pfft.
"Me too--" Natigil sa pagsasalita si Twayrem dahil natalapid ang bruha sa pagmamadaling lumabas.
"Pfffft. HAHAHAHAHHA omygad tway HAHAAHHAAH" Naiiyak na kami ni Chariah sa kakatawa
"OA niyo tss." Lumabas ng tuluyan si Twayrem hahahha pikon.
"San pala pupunta yon?" Tanong ni Chariah
"Ah may tournament chever daw sila."
"What? May sports na si Tway?!"
"Gaga sa Dota yon. Asa ka namang sasali yun sa sports pfft."
"Sabagay."
-
Naliligo ako habang nakanta kanta pa nung may kumatok sa pinto ng cr buti na lang tapos na ko. Pagbukas ko nung pinto bumungad agad yung pagmumukha niya.
"Blaire!~ gala tayo?" Yung kakambal kong bruha. Si Chariah.
"Tapos magpapalibre ka? -__-" Bored kong tanong sa kaniya. Alam na, Chariah yan eh. -__-
"Oo-- I mean hindi ah! Para naman may bonding tayo. Dibaaa." Sagot niya habang nagpa-puppy eyes pa. Mukha nga siyang aso. -__-
"Fine." Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko.
--
Twayrem's POV
Nandito ako sa place kung saan magreregister lahat ng players para sa tournament. So obviously hindi pa ngayon ang laban.
"Hey Tway!" Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Yo Ax! Long time no see ah." Nag-apir kami tapos ng peace sign. Well, kagagahan lang namin yan HAHAH.
He's Axl Blake Sovrebega. Bestfriend since Elementary. Nakilala ko yan sa computer shop na malapit sa school. Araw-araw kasi akong nakatambay don, minsan nagcucutting ako para pumunta sa computer shop. Hahaha. Then one day, nakita ko siya don naglalaro. Syempre alam kong bago lang siya dahil kilala ko na mga tambay don. Tapos nung pumasok ako ng school tranferee pala si tanga at take note kaklase ko pa. Kaya simula non sabay na kami magcutting. Hehez.
"So, saan ka na nag-aaral?" tanong niya habang naglalakad. Papunta kami sa coffee shop. Magpapalibre kasi ako. Huehue.
"Sa VIU. I'm with Blaire."
"Another Mission?"
"Yea."
"Alam mo minsan magbakasyon din kayo. Para di kayo masyadong naiistress."
"Kung pwede lang. HAHA"
"Tapos sama niyo ko ha."
"Gaga ka talaga!" Binatukan ko nga.
"Oh nandito na pala tayo. Hahahaha"
"Ikaw na umorder. Alam mo naman yung favorite kong coffe dibaaa?"
"Yeahyeah." Naghanap na ako ng mauupuan namin. Maya-maya dumating na din si Ax na may dalang dalawang frappé at tatlong doughnut. Nice.
"Musta lovelife natin?" Saktong umiinom ako kaya nasamid ako. Buset.
"Gago ka talaga no?!"
"Chill. Haha. Hanggang ngayon pala crush mo parin ako. Hays." Aba may pagbuntong hininga pa tong unggoy na to.
"Urur." Di ko na lang siya pinansin.
"Hahaha. " tss.
-
8pm na nung nakarating kami sa bahay ni Ax. Ihahatid niya daw ako eh. If I know chi-chika lang yan kala Blaire. Pagpasok namin may narinig akong sumigaw. "Twayrem kain na!~" dumiretso ako papuntang kusina habang si Ax nakabuntot lang sakin.
"Oh tway--" naputol yung sinasabi ni Hail nung napansin niya siguro yung unggoy sa likod ko.
"Omg!!!!~ Hi ABS HAHAHA" may pagbeso pa si ate nung nakita si Ax haha. Bakit ABS? Initials ni Ax yan. Tss. Wala namang abs. Umupo na lang ako para simulan ang pagkain.
"Ikaw tway ha. Nagdala ka pa ng chix mo. Hahahaha" bulong sakin ni Hail bago umupo.
"Gagu." Biglang dumating yung kambal na bruha kaya sabay sabay na kaming kumain.
-
Naunang natapos si Chariah sa pagkain kaya umakyat na siya sa kwarto niya. Mayamaya ay natapos na din kaming kumain kaya pinauwi ko na si Ax.
"Bye Tway." he winks at me bago umalis. Pagpasok ko sa bahay nakangiting aso si Blaire.
"Kayo na ulit ni Axl?" nagtataas baba pa yung kilay niya.
"Never been and never will" inirapan ko siya tapos nagtatakbo ako papunta kusina para kumuha ng strawberries. Hart hart. Pabalik pa lang ako sa sala nung biglang sumigaw si Chariah at pinapunta kami sa Laboratory.
"Mukhang alam ko na ang sasabihin ni Grail ah." Naeexcite na sabi ni Blaire.
"Ikr!" Pagdating namin don bumukas agad yung malaking screen at bumungad ang pangit na mukha ni Grail.
"Hi Girls! I got some important informations here."
"Wag ka nang pabitin sabihin mo na agad." Masungit na sabi ni Hail. Haha
"Fine. You're mission is not just about the illegal firearms that selling by your schools. Guess what? They're also selling illegal drugs."
--
YOU ARE READING
The Bad Encounter
ActionSisters are forever but revenge will not be over especially when we have our Bad Encounter.
