[Yuka]
"Anong ginagawa mo rito?" pagalit na tanong ni Jasper na bigla na lang sumulpot sa likuran nung lalake . Naudlot tuloy ang panghihinayang ko sa donut kong nahulog.
Hala galit ba siya na pumasok 'tong anak araw na 'to rito sa Silver Cage? Shems. Napalunok ako. Nakita rin ako nitong nandito, 'di kaya niya 'ko i-chismis sa labas? Pinagpagan ko ang mga kamay ko at lakas loob na nagtaas ng tingin.
"Oo nga!" sigaw ko sa lalaki katulad ng ton o na ginawa Jasper. Huhu. Sorry po. "Anong ginagawa mo rito?! Hindi mo ba alam na bawal ang outsider dito?!" Pinandilatan ko siya ng mata para mas maging kapani-paniwala ang galit ko.
"Bakit ikaw anong ginagawa mo rito? Aren't you an outsider too?" Nangunot ang noo niya saka ako tinaasan ng kilay. Oh my gas! Anong sasabihin ko?! Anong isasagot ko?! Waaaa! Isip, Yuka! Isip!
Nag-panic ako at mabilis na nag-isip ng paraan. Kinalkal ko lahat ng pwedeng pagtaguan ng katalinuhan sa utak ko at nang may naisip na 'ko, nakapamaywang akong tumingkayad at tiningala ito. Ang tangkad kase!
"Tagabantay ako rito baket?!" confident na sagot ko tapos tinaasan niya lalo ng kilay.
"What? Lady guard ka?"
Ha? Ako? Ladyguard? Napaduro ako sa sarili ko at para namang may usok na lalabas sa ilong niya. Pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa.
"But you're wearing a student uniform."
Ay shems. Bakit ba ang dami niyang tanong?
"S-S'yempre ano...nag-aaral din ako rito!" Muntik kong palakpakan ang sarili ko sa galing kong mag-isip ng dahilan. Nag-isip pa 'ko ng idudugtong at buti naman nakipag-cooperate ang utak ko ngayon. Tumikhim ako. "Part-time ko ang pagiging tagabantay rito! Kaya ikaw, lumabas ka na kung ayaw mong ma-memohan!" pananakot ko pa. Pero tinawanan lang ako.
Nakanguso akong tumingin sa mga kasama kong nakapalibot sa 'kin at biglang nag-iwasan ng mga tingin. Sabay-sabay na nagkamot sila ng ulo maliban kay Daryl na salubong ang kilay na nakatingin sa lalake. Oh my.
"Don't worry, Ms. Student Guard. Hindi ako nagpunta rito para manggulo," mayabang na sabi ng lalake at saka siya humakbang palapit sa 'kin. "Gusto ko lang na bisitahin ang mga kaibigan ko. It's been a while since we've seen each other."
Na-shock ako ng slight. "Kaibigan? Sila?" Tinuro ko pa ang BG para makasigurado ako sa sinabi niya. Tapos tinignan ko rin si Daryl. "Friend mo?" bulong kong tanong. Hindi naman ako sinagot. Tsk sungit!
"Umalis ka na rito, GD," seryosong sabat ni Kuya John na sumulpot din sa tabi ni Jasper. Lalo tuloy akong na-curious sa friendship nila. Hehehe. So, GD pala ang pangalan niya? Siguro Golden Duck ibig sabihin n'on? Hehe. Jok lang pero bagay naman.
"Chill lang kayo. Ang init agad ng ulo n'yo, eh. Nakakahiya rito sa cute n'yong kasama." Nagulat ako nang pisilin nito ang pisngi ko. Pero mas nagulat siya nang binali yata ni Daryl ang kamay niya.
"Aaaah ouch--what?!" malakas na daing nito sa ginawa sa kanya ni Daryl. "Wag mong sabihin na may puso ka na ngayon? Concern ka rito sa tagaban--araaay tangina!"
"Shut your damn mouth."
"Bakit ba kase?" Nang-aasar pa itong tumawa kaya lalong pinilipit ni Daryl ang kamay niya. Kase naman sumasagot pa! Pero lalo lang siyang natawa ng nakakaloko. "Hanggang ngayon ba naman sobrang possessive mo pa rin sa mga bagay? At pati 'tong tagabantay ng school? Really, King?"
Hindi ko alam kung mag-wo-worry ba 'ko sa mapang-asar na lalakeng 'to o magiging masaya na lang sa pagpipilit ni Daryl sa kamay nito. Kaso pusong good girl pa rin ako at akmang lalapitan ko na sila, bumukas ang main door ng Silver Cage at pumasok ang dalawang hindi ko kilalang lalake. Sino nama ang mga 'to?!

BINABASA MO ANG
BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)
Romance[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazing, alluring, adorable and captivating girl in his eyes. You could say he's crazy over her-- but hel...