Sabi ni papa habang napa cross arms.
That's okay naman siguro. Gagawa ako ng paraan para ma reach out ko si Jana tuwing gabi.
"Tulad ng sabi mo, hindi tatagal ang kaibigan mo, Kael. This is just temporary kaya magsimula na kayong maghanap ng boarding house na malapit doon at kailangan mo na rin siyang turuan sa mga kailangan niyang malaman dito sa lugar natin."--Mama.
Okay. Temporary. Sana naman, makahanap talaga ako ng paraan para maputol ang imaginary connection namin ni Jana kahit alam kong imposible. At kung hindi 'yon, sana naman tulungan ako ni Jana na maging sanay sa mga multo. Oo tama! 'yon ang dapat kong gawin..Ang masanay sa mga multo. Ang hindi matakot sa kanila. Ah! pero parang imposible 'yon sa ngayon.
" Gusto ko ring kilalanin siya ng mga kapitbahay natin bilang pinsan mo. Tungkol naman sa pagkain--"--Mama.
"Ma, may budget po si Jana diyan." alam kong wala. Sa totoo lang, hinahatian ko siya sa parte ko sa pagkain.
Blah.blah. blah. Ang daming sinabi ni mama. Parang mauubos ang isang 80 pages notebook kung ite-take note ko ang mga ito.
Hanggang sa naging maayos na ang usapan. The Deal is now closed.
From now on, Jana Javier is temporarily my cousin and now part of our family.
"Yes! May ate na ako! Dalawa pa!"--Jamela. Hirit ni Jamela.
Agad ko siyang binatukan. Anong pinagsasabi niyang dalawa? Ako? Ate?
Nakakainis!
____________________________
Siyempre, sabay kaming pumasok ni Jana sa school.
Pero naghiwalay rin naman kami kasi hindi kami magkaklase sa subjects namin ngayon.
Pagkatapos ng klase namin, napag-usapan naming magkita sa may Chess Club Room.
Mas nauna akong nakarating sa meeting place namin. At doon ko nakita...
"Jana! Jana! Bakit ang tagal mo! huhu!"
Tinakpan ko ang mga mata ko habang ako'y nakapikit.
May nakita kasi akong dalawang lalaking multo na abalang-abala sa pag che-chess. Bakit ba naman kasi walang tao sa chess room ngayon? Mas laganap tuloy ang pagmumulto nila!
Nararamdaman ko na parang nanlalamig ang paligid ko! Lumapit yata sila sakin! wah! Tulong Jana!
"Baka[stupid], humihingi sila ng tulong."--Jana.
Nandito na si Jana.
"Wah! Jana!natatakot--"
Yayakap na sana ako pero idinuro niya ang noo ko. Tsk. Walang hiya.
"Tulongan natin sila.Huwag ka munang chansing."--Jana.
Wala na akong magawa kundi ang sundin ang sinasabi niya.
Ang dalawang multo na ito ay paulit-ulit sa pagche-chess. Wala kasing nagdedeclare sa kanila kung sinong panalo. Kung may nanalo sa kanila, hindi ito nagiging kontento kasi wala raw awarding na nangyari. Ang arte naman ng mga multong 'to tsk.
Kaya, pagkatapos ng laban na ito, papalakpakan at i-dedeclare naming kung sino ang panalo para maging payapa na ang dalawa.
Habang nagchechess sila, sa chess board lamang ako tumitingin. Kapag umi-intense na kasi ang labanan nila, mas umi-intense rin ang pagiging choco crinkles ng mukha nila.
Hanggang sa...
"Oh look. It's a draw!"--Jana.
Tapos pumalakpak kami ni Jana para naman maging masaya sila.
YOU ARE READING
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...
இ Chapter Ten: Creepy 'Team Creepy'
Start from the beginning
![Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]](https://img.wattpad.com/cover/39903611-64-k757270.jpg)