finale

13.3K 345 40

Star Dancer
By...emzalbino
RATED SPG...
.....FINALE...

"A-Aleah, ka-kami ang mga magulang ng iyong inay. Anak namin si Janna na matagal na naming hinahanap mula pa ng sumamang nakipagtanan sa iyong ama na si Antonio." lumuluhang sagot ni Senyora Josefa na ikinatango naman ng esposo nito na si Senyor Modesto.

"Pe-pero may lolo at lola rin kami at iyon ay sina lolo Estong at lola Ramona!" hindi makapaniwala at gulong gulo ang isip ni Aleah na palipat lipat ang tingin sa mag asawang panauhin.

"Hindi mo sila tunay na nga lolo at lola Aleah dahil kami ang tunay na mga magulang ng iyong ina. Si Ramona ay dating yaya ng iyong ina at si Estong ay aming katiwala sa mansiyon. Mag asawa sila ngunit dahil sa hindi sila magkaanak ay ibinuhos nalang nila ang pag ta trabaho. Masipag silang mag asawa kaya naman pinagkatiwalaan namin sila,mahal na mahal nila si Janna ang iyong inay dahil malapit ang anak namin sa kanyang yaya na itinuring nitong pangalawang magulang kaya naman ng nalaman naming may relasyon sina Janna at Antonio ay labis naming tinutulan. Pinaglayo namin ang iyong inay at si Antonio. Nasaktan ng labis si Janna at hindi na lumalabas pa ng bahay hanggang sa hindi na nakayanan pa ng mag asawang Ramona at Estong ang makitang malungkot ang nag iisa naming anak na itinuring nilang anak narin. Tinulungan nila si Janna na makatakas at sumama kay Antonio, sila ang nagtago sa dalawa. Sa galit namin ay pinutol namin lahat ng mga nakasanayang luho ng iyong inay, lahat ng makakatulong sa kanilang dalawa ni Antonio ay inalis namin dahil sa pag aakalang hindi niya kayang mamuhay sa hirap at babalik din siya sa mansiyon ngunit lumipas ang buwan, taon hanggang ilang taon ang nakalipas." humikhikbing salaysay ni Senyora Josefa.

"Ipinahanap na namin siya dahil nag aalala narin kami at the same time ay nami miss narin namin ang nag iisa naming anak ngunit hindi namin sila makita. Ginamit harin namin ang kapangyarihan ng aming pera upang mapadali ang paghahanap sa kanila at tinanggap narin namin sa aming sarili na nagmamahalan nga sila at wala talaga kaming magagawa pa kundi bigyang laya nalang sila sa kanilang mga damdamin. Ngunit ilang taon pa ang lumipas at wala parin kaming mahanap. Doon na kami nag alala ng husto ng aking asawa, ang lola mo hanggang sa napagod narin kami sa kahahanap sa kanila dahil halos nahalughog na namin ang buong Pilipinas ay hindi parin namin mahanap ang nag iisa naming anak. Lumayo kami, nagtungo kami sa Amerika upang makalimutan ang lahat ng nangyari sa aming buhay ngunit ilang taon lang kaming naglagi doon dahil hindi kami komportable at palaging sumasagi sa aming isipan ang iyong ina kaya minsan pa'y ipinahanap namin sila ngunit gaya ng dati ay muli na naman kaming bigo kaya napag isipan nalang namin ng iyong lola na siguro ay wala na ang aming anak at kung sakaling saan man siya naroroon ay nawa'y mapatawad niya kaming dalawa ng lola mo dahil naging makitid ang aming isipan dahil sa takot na iwan niya kami ng malaman naming may relasyon sila ni Antonio. Nagsisi man kami ay huli na, hindi na namin maibabalik pa ang mga nakaraan at sana kung inintindi namin ang kanyang damdamin noon, sana ay masaya kaming kasama siya at ang anak nila ni Antonio, sana ay magkakasama tayo nila inay mo at itay mo" salaysay ni Senyor Modesto na hindi narin napigil pa ang oagdaloy ng mga butil ng luha nito dahil habang nakatitig siya kay Aleah ay parang buhay na buhay ang kanyang nag iisang anak.

Hindi malaman ni Aleah kung magagalit o ano ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon. Umiyak siya ng umiyak at niyakap naman siya ni Miguel upang dalihan siya.

"Mahal ko, it's okay. Ilabas mo lang ang nasa dibdib mo para lumuwag ito" ani Miguel saka hinaplos haplos nito ang likod ni Aleah.

Ilang minutos ang nakalipas bago nakapag isip ng tama si Aleah dahil kitang kita naman niya sa mga mata ng kanyang mga lolo at lola ang labis na pagsisisi. Kitang kita niya sa mga mata nila ang matinding sakit at pighati dulot ng ginawa nilang kasalanan sa kanilang inay at itay. Maya maya pa ay nilapitan niya ang mag asawa, ang mga magulang ng kanyang inay na maagang pumanaw dahil sa matinding karamdaman dahil sa hindi nila kayang ipagamot kaya pumanaw ito ng maaga at dala ng kalungkutan ay napabayaan rin ng kanilang ama ang sarili nito mula ng mamatay ang kanilang ina hanggang sa nagkasakit rin na siyang dahilan ng pagkamatay nito kaya napilitan siyang maging ina at ama ng kanyang mga kapatid.

Star Dancer (rated spg)......by..emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!