"Wa-wala na sina inay at itay. Maliliit palang kami ng mga kapatid ko ng pumanaw sila at maging sina lolo Estong at lola Ramona ay pumanaw narin sila. Kaya ako ang tumayong mga magulang ng aking mga kapatid, sa murang edad ko ay pinasan ko ang iniwang obligasyon ng mga magulang namin. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maitawid ang kumakalam na sikmura naming magkakapatid sa araw araw. Tinawid ko ang matarik na bundok kahit hindi ko kaya basta lang maitawid ko ang aking mga kapatid. Tiniis ko ang pangungutya ng mga tao, pinilit kong mapag aral ang aking mga kapatid kahit na ako'y hanggang elementarya lang ang narating nila upang sa ganoon ay hindi sila matulad sa akin na isang mangmang at walang narating na edukasyon. At dahil sa pagnanais kong makatuntong sila ng secondarya ay minabuti kong makipagsapalaran dito sa Maynila ngunit dahil sa wala akong sapat na kaalaman ay ni hindi man lang natanggap kahit na katulong. Nagmakaawa ako kahit na maging kasambahay lang upang sa ganoon ay magkaroon ako ng trabaho upang mapag aral ko sina Memi at Gina ngunit imbis na unawain ako ng mga tao ay kinutya pa nila ang aking pagkatao hanggang sa wala akong nagawa kundi suungin ang putikan. Pikit mata kong inilublob ang aking sarili sa isang kumunoy, kahit na nangingilabot ang aking katawan sa tuwing nakatingin ang mga kalalakihang hayok sa laman sa halos hubad ko ng katawan ay wala akong nagawa kundi tiisin ang mga iyon ngunit kahit na nasa ganoong lugar ako napadpad ay isinaalang alang ko parin ang isang napakahalagang bagay na siyang mayroon ako at tanging makapagpapatunay na isa akong malinis na babae kahit nasa putikan. Ngunit sadyang mailap sa akin ang kapalaran dahil ilang buwan ang nakakalipas ay dumating ang isang pagsubok sa buhay naming magkakapatid. Naaksidente si Gina na naging sanhi ng muntikan niyang pagkalumpo. Wala akong makuhanan ng perang gagamitin sa pagpapa opera niya, halos mabaliw ako noon kung saan ako kukuha ng malaking halaga para sa operasyon ng aking kapatid at ng maisip ko ang narinig kong usapan ng manager ng club at ng mga magkaibigang lalaki na naghahanap sila ng babaeng ireregalo nila sa kanilang kaibigang may kaarawan ay kinausap ko ang manager namin, si mommy Dess. Sa una ay ayaw niyang pumayag ngunit nagmakaawa ako sa kanya hanggang sa napapayag ko siya. Ngunit hindi ako nagsisi na tinanggap ko ang pagbebenta ko ng aking katawan dahil ang lalaking iyon na siyang nakabili sa akin ay walang iba kundi ang ama ng aking magiging anak. Si Miguel ang lalaking iyon na siyang dahilan ng lahat. Mula ng makilala ko siya ay biglang nag iba ang ikot ng aking buhay. Marami kaming pinagdaanang pagsubok bago namin nakamit ang kalayaan ng aming mga puso. At ngayon ay masasabi kong ang lahat ng iyon ay paraan lang ng DIYOS upang sukatin NIYA ang aking katatagan, kung sa mga binibigay ba NIYANG pagsubok ay bibigay ako o mas kakapit pa ako sa KANYA. Ngunit mas pinili ko ang manatili sa KANYA dahil alam kong sa KANYANG mga kamay ay ligtas ako kahit na anong pagsubok pa ang dumatin sa buhay ko at buhay naming magkakapatid" luhaang pahayag ni Aleah.
"A-apo ko!" walang tigil ang pagluhang sambit ni Senyora Josefa ng marinig nitong lahat ang mga pinagdaanang hirap ni Aleah at ang mga kapatid nito.
"Lo-lola ko! A-akala ko ay wala na kaming kamag anak na pwedeng lapitan. Akala ko ay hanggang doon nalang ala ala nila inay at itay" humihikbing turan ni Aleah.
"Kaytagal naming hinanap ang inyong mga magulang upang ibigay sana ang kanilang kalayaan ngunit nabigo kami. Patawad apo ko kung sa aming ginawang iyon sa inyong mga magulang ay kayo ang nagdusa. Pangako namin sa inyo na pupunan namin ang mga pagkukulang namin noon sa inyong inay. Masakit mang isipin na wala na siya dahil sa ginawa naming paghihigpit noon sa kanya ngunit masaya parin kami dahil tatlo ang iniwan niyang ala ala sa amin. Magkakasama sama tayong ipagpatuloy ang nasimulan ng inyong mga magulang, ipagpapatuloy mo ang iyong pag aaral at maging mga kapatid mo, dadalhin namin dito sa Maynila ang dalaw mo pang mga kapatid para magsama sama tayong lahat at muli nating umpisahan ang buhay na kasama niyo kami ng lolo Modesto ninyo at ngayong natagpuan namin ang mga apo namin sa aming nag iisang anak na si Janna ay sa inyo nalang namin ibubuhos ang pangungulila sa kanya dahil miss na miss na namin ang inyong ina" hagulgol na iyak ni Senyora Josefa.
BINABASA MO ANG
Star Dancer (rated spg)......by..emzalbino
RomanceAng kwentong ito ay kailangan ng patnubay ng magulang...not suitable for young audiences and be open minded... Thanks and enjoy reading......
finale
Magsimula sa umpisa