Epilogue

16.2K 343 30

Epilogue

Kakatapos lang ng kasal ni Liberty at Alex, ngayon ay nasa reception sila ng kasal. Nasa presedential table siya kasama ang ina na kay higpit ng hawak sa kanyang kamay, ginantihan naman niya iyon ng pisil upang iparamdam dito na ok lang ang lahat. Muli ay tumingin si Liberty sa isang sulok kung saan nandoon si Jordan habang inaasar si Berna, naikwento na rin kasi ni Liberty dito na madalas siyang awayin ng babae kaya ito at ipinaghihiganti siya ng kaibigan.

"Liberty, masaya ako para sa'yo dahil nakahanap ka na ng lalaking makakasama mo habang buhay."

Napangiti si Liberty sa sinabi ng ina.

"Salamat, 'Nay, kung hindi din naman dahil sa inyo ay hindi ko di maiisipan na puntahan noon si Alex. Baka nga po natagalan pa bago kami kinasal dahil sa katigasan ng ulo ko."

"Kaya anak, alagaan mo ng mabuti ang asawa mo, ha? Magmahalan kayong dalawa."

"Huwag ho kayong mag-alala, Mama. Magmamahalan po kami ni Liberty habang buhay." Si Alex na bigla na lang sumulpot at inakbayan ang kanyang mother-in-law. "Saka gusto ko rin pong ipa-kunsulta ang mga mata niyo."

"Naku hijo, totoo ba ang sinabi mo?"

"Naniniwala po akong may pag-asa pa ang mga mata niyo saka gusto ko po kasing makita niyo rin ang magiging mga apo niyo sa'min."

Hindi na nakapagsalita ang ina ni Liberty at napaluha na lang sa sobrang saya.

"Maraming salamat, Alex." Naiiyak na rin na sabi ni Liberty.

"Lahat ay gagawin ko para mapasaya ka, Liberty. At ito pa lang ang una, marami pang darating."

Napangiti na lang si Liberty. Sa totoo lang ay kulang pa ang salitang salamat para maiparating niya sa kanyang asawa ang kung gaano siya kasaya kaya naman naisip niya na mamayang gabi ay sisiguruduhin niyang magiging memorable ditto ang magiging unang gabi nila bilang mag-asawa.
Ilang saglit pa ang lumipas at dumating na rin sa wakas ang dalawang bisitang inaasahan nilang darating ngayon upang makisalo sa kanila. Sina Maribeth at Daniel. Bago sila kinasal ni Alex ay nakiusap si Liberty na kausapin muna nila ang mga ito para masarado na rin ang isang pahina ng kanilang buhay--- lalo na ng kay Alex. Matapos makausap ang mga ito ay nagkalinawan na rin sila at naging maayos na ang sitwasyon nila.

"Congratulations..." sabi ni Maribeth sabay abot ng regalo kay Liberty.

"Congrat's pare. Inunahan mo pa ako, ha?" Nakangiting sabi ni Daniel. "Liberty, be a good wife to him."

"O-oo naman..."

"Hey guys! Bakit ba tayo nagkakailangan ng ganito? Nagkausap-usap na tayo, diba? Kaya dapat ay maging masaya tayong lahat." Masiglang sabi ni Maribeth. "Anyway, may annoucement din kami para sa inyo."

"Ano iyon?" sabay na sabi ni Liberty at Alex.
"Ikakasal na rin kami ni Daniel very soon." Masayang sagot ni Maribeth saka niyakap ang braso ni Daniel.

"E, paano ang mga parents niyo?"

"Actually, matagal na pala nilang napapansin ang tungkol sa'min pero hindi lang sila nagsasalita. Ang gusto nila ay kami mismo ang umamin sa aming relasyon." Nakangiting sabi ni Daniel. "Ang layo na ng narating namin ni Maribeth, ang dami ng nangyari sa'min e, puwede naman pala kaming mag-short cut."

"Noong nalaman nila na buntis ako ay akala ko ay magagalit sila pero hindi, na-excite pa sila sa magiging baby namin. Oh God! Sobrang saya ko." Dagdag pa ni Maribeth. "But hopefully, maging mabilis na sana ang pagpa-process ng documents ni Daniel para mawala na ang legality na pagiging magkapatid namin sa papel and if nangyari iyon ay invited kayo sa kasal namin, ok?"

"That's a good news!" Sabi ni Alex saka nakipagkamay kay Daniel.

"It is! And Liberty..." binalingan ni Maribeth ang dalaga, lumapit ito saka may binulong sa kanya. "Maswerte ka kay Alex dahil..."

Biglang pinamulahan ng mukha si Liberty sa narinig.

"Are you, ok? Bakit bigla kang namula?" Tanong ni Alex.

"W-wala..." nakangiting sabi ni Liberty saka nakipagtawanan kay Maribeth...

The end...

This Woman is my DestinyWhere stories live. Discover now