Chapter Fourteen

12.2K 271 3

Chapter 14

Kinabukasan ay maagang umalis si Liberty, kailangan na balikan niya si Alex pero pagkarating niya sa restaurant ay sarado iyon. Para ngang hindi nag-operate ang restaurant ngayong araw. Agad ay nagtaka siya. Imposible kasing hindi mag-operate ito gayoong araw ng sabado ngayon, maraming mga guest ang magsisidatingan. Napabuntong hininga na lang siya saka napaupo sa tabi ng pinto ng restaurant.

"Masyado ba akong maaga?" Sabi niya saka napatingin sa kanyang relo. Saktong alas diyes na.

Naghintay pa rin siya ng ilang oras pero wala talagang dumating. Matamlay siyang tumayo at muling tumingin sa restaurant. Umaasa siyang may magbubukas muli na ilaw doon tulad kagabi pero namuti na ang mata niya kakatitig doon ay wala pa din. Napayuko na lang siya at akmang maglalakad na palayo pero bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang napabalik sa puwesto niya kanina para sumilong.

"Bakit naman biglang umulan ngayon? Kainis!"
Muli ay napaupo na lang siya ulit doon sa tabi ng pinto habang nakatiklop ang mga tuhod. Hihintayin na lang niyang tumila ang ulan. Pero trenta minutos na yata ang lumipas ay hindi pa rin tumitila ang ulan at sa totoo lang ay nilalamig na siya sa kanyang puwesto dahil sa hampas ng hangin na tumatama sa kanya, nababasa na rin siya dahil sa talsik ng tubig ulan na bumabagsak sa lupa. Urgh! Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Kailangan na masaktan muna?

Napayakap na lang siya sa kanyang sarili. Kung alam lang ni Liberty na uulan pala ngayon araw ay sana naghintay na lang siya sa kanyang bahay, dapat ay si Alex ang nag-e-effort at hindi siya. Pero wala, e. Ganito daw talaga kapag nagmamahal, nagiging martir.

"Liberty!" Naulinigan niya ang isang boses ng lalaki. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya ang isang kotse, may bumama doon na lalaki at mabilis siyang pinuntahan.

"A-alex..." nanginginig ang boses na tawag niya sa binata.

"Damn! Ang lamig naman ng katawan mo! Bakit kasi pumunta ka dito?" Sita sa kanya ng binata.

"K-kasi..."

"Halika nga dito." Hinila na siya ni Alex para makapunta sa kotse nito pagkuway ipinasok na siya doon. "Anong ginagawa mo dito?"

"N-nilalamig ako. Bakit hindi na lang tayo sa loob ng restaurant?"

"Hindi ko dala ang susi. Isuot mo muna ito." Sabi ni Alex saka hinubad ang suot na coat at ipinasuot iyon kay Liberty. Matapos niyon ay mabilis na itong nag-drive at maya-maya lang ay pumasok na sila sa isang subdivision.

"N-nasaan na pala tayo?"

"Nasa townhouse ko." Sagot nito saka lumabas ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.

Napasunod na lang si Liberty hanggang sa makapasok na sila sa bahay nito. Binigyan siya nito ng damit pamalit sa suot niya at pinapasok sa loob ng kwarto. Ngayon ay nakapagpalit na siya at maayos na ang pakiramdam niya. Namasdan na lang niya ang sarili sa life size mirror. Sa suot niyang over sized t-shirt ay nagmukha lang siyang nakabistida tapos ay above the knee pa. Wala rin siyang suot na kahit anong panloob kaya bakat na bakat ang mga dibdib.

"Liberty---"

"Ay!" Mabilis na napayakap ang dalaga sa sarili dahil biglang pumasok si Alex sa kwarto. "Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Sita niya rito pero tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok, may dala rin itong mangkok na may lamang umuusok na lugaw.
"Bakit ko naman kailangan na kumatok, bahay ko naman ito. Anyway, kainin mo na ito para mainitan ang sikmura mo."

"Wala naman akong sakit. Ok lang ako."

"Basta, kainin mo."

Wala namang nagawa si Liberty. Umupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang unan saka niyakap para kahit na paano ay matakpan ang bakat na dibdib niya. Nagsimula na siyang kumain pero hindi siya makapag-concentrate paano ay nakatitig sa kanya si Alex.

This Woman is my DestinyWhere stories live. Discover now