Chapter Ten

9.3K 256 5

Chapter 10

Natinag si Liberty dahil sa boses na iyon na puno na awtororismo kaya naman agad niyang binitawan si Berna at nakayukong humarap kay Alex.

"Sir Alex! Papatayin ako ng babaeng 'yan!" Sumbong ni Berna pero hindi ito pinansin ng binata.

"Sumunod ka sa office." Malamig ang boses ng binalingan siya ni Alex saka naglakad na papunta sa opisina nito.

Tumango naman ang dalaga at sumunod na lang dito. Saktong pagpasok niya sa loob ng opisina ng binata ay humugot muna siya ng malalim na hininga. Nakatalikod mula sa kanya si Alex. Magsasalita na sana siya pero inunahan na siya nito.

"Ang lakas din ng loob mong bumalik dito."

"S-sir, kailangan ko kasi ng trabahong ito kaya---"

"Sana ay inuna mo munang isipin 'yan bago mo ginawan ng masama si Maribeth.

"Sir, ok naman na siya ngayon kaya---"

"At dahil ok na siya ngayon at hindi naman napaano ang anak namin ay may permission ka na para bumalik dito at magtrabaho? Na para bang wala kang ginawang masama?" Galit na humarap ito sa kanya.

"Sir---"

"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag. Siguro naman ay meron kang dahilan, diba? But make sure a makatotohanan 'yan at acceptable."

Sa sinabi ni Alex ay nanahimik na lang si Liberty. Iniisip niya na paniwalaan kaya siya nito kung sasabihin niya ang nakita kagabi? Baka naman kapag sinabi niya iyon ay isipin nito na nagsisinungaling lang siya, at ang mas malala ay baka madagdagan lang ang kasalanan niya dito, baka mas lalo itong magalit sa kanya. Oo nga at pinayuhan siya ni Daniel na maaari niyang sabihin kay Alex ang lihim ng mga ito pero paniwalaan kaya siya ito? Malamang na hindi. Sino ba naman ang maniniwala kung sasabihin niya na, "Nakita ko si Daniel at Maribeth na naghahalikan, may relasyon sila." Baka humaglpak lang ng tawa si Alex dahil ang alam nga nito ay magkapatid ang dalawa.

"I'm waiting, Liberty..." untag sa kanya ni Alex.
Napatitig na lang ang dalaga kay Alex. Sa totoo lang ay may isa pang dahilan kaya hindi niya masabi ang nalalaman, iniisip niya kasi na masasaktan ito sa ibubulgar niya. Siguradong masakit iyon para dito. Biruin mong iniputan ito sa ulo at inapakan pa ang ego? At sa loob pa ng isang taon, siguradong hindi nito iyon matatanggap.

"Inlababo ka kasi. Inlove ka na kay Alex..." bigla ay umalingawgaw ang boses ni Jordan sa kanyang isipan. Sa totoo lang ay buong gabi niyang pinag-isipan ang naging konklusyon ng kanyang kaibigan. Inlove nga kaya siya kay Alex kaya hindi niya masabi dito ang totoo dahil ayaw niyang masaktan ito? Napailing siya. Napaka-imposible naman na mahulog na ang loob niya dito, maiksing panahon pa lang ang pinagsasamahan nila ng lalaki. "Tama! Wala lang ito! Siguro ay naaawa lang ako sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko." Bulong niya at ngayon ay naisip niya na sasabihin na niya ang nalalaman para umayos na rin itong nararamdaman niya.

"Liberty..."

"Nakita ko si Daniel at Maribeth na naghahalikan sa party kagabi tapos ay narinig ko pa na hindi ikaw ang ama ng dinadala niya dahil ang tunay na ama ay si Daniel." Dere-deretso niyang sabi saka buong tapang na sinalubong ang mga mata nito na kulang na lang ay maglabas ng lazer beam dahil sa sobrang sama ng tingin sa kanya.

"So, you're saying na hindi ako ang ama ng dinadala ni Maribeth at ipinapaako lang niya sa'kin ang bata? At sinabi mong si Daniel ang ama?" Naninigurong tanong ni Alex sa kanya kaya naman tumango na lang siya bilang sagot pero tinawanan lang siya ng binata.

"Seryoso ako! Hindi ako nagsisinunagaling!" Sigaw niya dito.

"Gusto mong paniwalaan kita, Liberty, imposible ang sinasabi mo. Ang ibig kong sabihin, malayo sa katotohanan ang sinasabi mo. Liberty naman, gagawa ka na lang ng kwento ay hindi mo pa nagawang i-justify. Nagmumukha ka tuloy sinungaling sa harapan ko."

"Pero totoo ang---"

"Kahit na hindi sila magkapatid, lumaki sila ng sabay sa iisang bahay kaya magkapatid na ang turingan nilang dalawa."

"Alam mong hindi sila magkapatid?"

"Ofcourse!" Sagot nito sa naging seryoso ang mukha. "May isa pa akong tanong sa'yo. Bakit mo ako hinalika kagabi?"

"Y-yon ba? K-kasi..." hindi tuloy mahagilap ni Liberty ang dapat na sabihin.

"Don't tell me, gusto mo ako?"

Nakagat na lang na Liberty ang labi. Bakit ba hindi niya magawang sumagot ng maayos dito? Madali lang naman ang sabihin na wala siyang gusto dito para matigil na ito! Pero sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya magawang sabihin iyon sa binata.

"Your silence, means yes. May gusto ka nga sa'kin." Siguradong sabi nito saka tumayo at lumapit sa kanya. Nanatili lamang na nandoon si Liberty, tila ay itinulos na siya sa kanyang kinatatayuan. Kahit anong utos niya sa kanyang sarili upang upang umalis na sa lugar na iyon ay hindi niya magawa. Hanggang sa nakalapit na sa kanya si Alex, ngayon ay nalalanghap niya ang gamit nitong pabango at nararamdaman niya ang init ng katawan nito. Napayuko na lang siya at hindi niya nagawang titigan ang mga mata nito. "Look at me, Liberty..." sabi ni alex saka walang babala na hinawakan nito ang baba niya at iniangat iyon. Wala namang magawa si Liberty kundi ang salubungin ang mga mata nito.

"W-wala akong gusto sa'yo. M-mali ka ng iniisip." Pinilit ni Liberty na maging maayos ang pagsasalita niya pero hindi siya nagtagumpay dahil nauutal siya. Kaya naman kitang-kita niya ang pagngisi ni Alex na tila ba nanalo ito sa isang paligsahan.

"Talaga? Wala kang gusto sa'kin? Then let see..." pagkasabi niyo ay tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila. Mariin siya nitong hinalikan at para bang nanghihingi pa iyon ng permiso.

Samantala ay mariing napapikit naman si Liberty. Madiin niyang iniuukit sa kanyang isip na itulak niya si Alex, na huwag hayaan na mahalikan siya nito pero kahit ano yatang utos niya sa kanyang isipan ay hindi iyon sinusunod ng kanyang katawan. Para bang may sariling isip pa iyon at ngayon nga ay kusa niyang binuksan ang kanyang labi at sumabay sa bawat galaw ng labi nito sa kanya. Naramdaman din niya ang maharot nitong dila na nakikipagharutan sa kanya. Tuluyan ng nahulog si Liberty sa mamahikang sandali na iyon na pinapalasap sa kanya ni Alex kaya naman hindi na rin niya napansin na naglilikot na pala ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Marahang pumipisil at humahaplos ang mga kamay nito sa pribadong bahagi ng katawan niya. Alam ni Liberty na dapat na niya itong pigilan dahil baka kung saan pa humantong itong ginagawa nila pero hindi niya magawa, gustong-gusto niya ang dantay ng mga kamay nito sa kanya.

"Ito ba ang sinasabi mong wala kang gusto sa'kin?" Maya-maya ay sabi ni Alex. At doon lang nagising si Liberty. Aaminin niyang napahiya siya dahil nadarang siya at ngayon nga ay naiwan siya sa ere ang katinuan niya, sa ere ng kawalan. "Kung hindi pa ako tumigil sa paghalik sa iyo, siguradong sa kama na ang bagsak mo. Nararamdaman kong madali lang kitang maaangkin." nakangisig sabi nito sa kanya. "Pero hindi ako mapagsamantala, Liberty. Kaya ayokong ituloy itong unumpisahan ko." Sabi pa nito sa kanya.

Bahagya namang napayuko si Liberty. Bakit hindi niya nagawang sagutin ito? Dapat nga ay sampalin niya ito dahil pinapahiya siya nito ng harapan!

"You're fired, Liberty. Ayoko ng makita ka pang nandito sa loob ng restaurant ko."

Biglang nag-angat ng tingi si Liberty. "Sir, paano naman po ang---"

"Ayoko ng makita ka. Ayokong may umaaligid dito na utak kriminal na tulad mo."

"Sobra ka naman kung---"

"Dahil iyon ka. Utak kriminal ka. Kung hindi ganoon ang karakter mo, ano ang tawag mo sa ginawa mong pagnnanakaw sa'kin at sa kamuntikanan ng pagkapahamak ng mag-ina ko?"

"Sir---"

"Umalis ka na lang, Liberty. Baka mainis lang ako sa'yo at tuluyan na kitang ipadampot sa mga pulis dahil sa ginawa mo."

Bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ni Liberty. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito, 'yung masabihan ka ng utak kriminal ng taong... oo, ng taong gusto niya. Pero kahit anong sakit itong nararamdaman niya, itatago na lang niya, ililihim na lang niya. Kaya naman taas noo siyang umalis sa opisina ni Alex. Kung ayaw nitong maniwala sa sinabi niya kanina, bahala na lang ito...

This Woman is my DestinyWhere stories live. Discover now