Chapter Four

11.8K 290 4

Chapter 4

Nasa locker room na si Liberty. Tapos na kasi ang duty niya at ngayon nga ay naghahanada na siya para umuwi. Nagbihis na siya at matapos niyon ay ni-lock na niya ang pinto ng locker niya. Pero maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay galing iyon sa unknown number.

"Hello?" Sinagot pa rin niya ang tawag sa pag-aakalang importante iyon.

"Hi Liberty, its me, Daniel."

"Sir--- este D-daniel! Teka, paano niyo po nalaman ang number ko?" Bigla ay nakaramdam ng excitement si Liberty.

"Kinuha ko sa masungit na si Alex."

Biglang natawa si Liberty. "Baka magalit 'yon kapag narinig na sinabihan niyo siyang masungit." Sabi niya pero iba naman ang laman ng isip niya. "Hmp! Masungit naman talaga ang eng-eng na 'yon."

"Ok lang 'yon. Sanay naman na sa'kin 'yon. Anyway, gusto sana kitang ayain na lumabas ngayong gabi. Ok lang ba?"

Biglang napakurap si Liberty. Tama ba ang naririnig niya? Inaaya siya nitong lumabas? Hindi ba at katumbas iyon ng isang date? Shems! Inaaya siya makipag-date ni Daniel? Nanlalaki ang mga matang napatitig siya kay Berna na nakatingin sa kanya. Nakataas pa nga ang kilay nito na parang takang-taka sa ikinikilos niya pero inisnaban na lang niya ito. Manigas ito sa inggit.

"Alam kong kanina lang tayo nagkakilala pero gusto ko kasing palalimin ang ugnayan nating dalawa. So, kung papayag kang lumabas kasama ko ay ma-a-appreciate ko iyon."

"Wow!" bulong niya saka bahagyang tumalikod dahil ang epal na si Berna ay nakatitig sa kanya. "My God! Pakiramdam ko ay tinutuyuan ako ng laway sa sobrang kilig!"

"Liberty? Nandyan ka pa ba?" untag nito sa kanya.

"Yes! Nandito pa ako. Ahm, sige, payag akong lumabas kasama mo." Pormal niyang sabi pero malakas din ang pagkakasabi niya para marinig ni Berna, kawawa naman, e. Lihim siyang napangiti, paano ay sa loob-loob niya ay kilig na kilig siya kaya nga ang hawak niyang bag ngayon ay halos mapunit na dahil sa higpit na pagkakahawak niya.

"Great! I'll wait for you. Nandito ako sa parking lot."

"Sige lalabas na ako." Binabaan na niya ito ng phone pagkuway muling inayos ang sarili. "Berna, mauna na ako, ha? Narinig mo naman, diba? May date pa ako. Baka naghihitay na ang Papa ko." Sarcastic niyang sabi na ikinangiwi naman ng babae. "Babye na." Paalam niya rito pagkuway nagmamadaling naglakad papunta sa pinto pero ng akmang bubuksan na niya ang pinto ay biglang bumukas iyon dahilan para mapatili siya. "S-sir Alex, kayo po pala. Good evening..." nakayuko niyang sabi, hindi niya gustong tumingin sa mga mata nito paano ay kay talim ng titig sa kanya. "Sige, Sir, aalis na po---"

"Aalis ka na? Hindi pa tapos ang trabaho mo."

"Sir?" Bigla ay napatingin siya kay Berna. "Pero Sir, tapos na po ang trabaho namin ni Berna. Bali, ire-retouch na lang po namin ang---"

Marahas na napabuntong hininga si Alex. "Berna, umuwi ka." Sabi nito sa babae.

Napanganga na lang si Liberty. Ano ito? Siya lang ang maiiwan? Unfair! Magpo-protesta sana siya pero biglang lumapit sa kanya si Berna at bumulong.

"Sige, ha? Makipag-date ka na lang sa mga dumi sa loob ng restaurant." Nakangisi nitong sabi pagkuway lumabas na ng locker room.

Inis na nasundan na lang ng tingin ni Liberty ang babae. "Namumuro na ang lintang tamad na 'yon sa'kin, ha? Sarap hilain ng buhok."

This Woman is my DestinyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!