Chapter 43

953 21 0
                                    

Itinigil ko ang sasakyan dito sa may tapat ng ospital. Nagsibabaan na sila.

"Ethan, man, tara na!" pag-aaya sakin ni Cloude na ngayon ay nakangiti dahil nasuntok na sa balikat ang kanyang kakambal.

Umiling iling lang ako."No, bro, mauna na kayo may gagawin pa ako. Pero don't worry, babalik ako" tumango naman sila.

Nagpaalam na ako sa kanila at pagkatapos ay inistart ko na ang makina at pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Dumiretso lang ako ng condo ko para magpalit ng damit, nag-ayos ako ng sarili ako at naglagay ng konting pabango.

Kasalan ko kung bakit nangyari kay Chiara ito. Kasalanan ko kung bakit na-ospital sya. Aaminin ko, naiinis ako sa kanya pero it won't change the fact na mahal ko si Chiara.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lalabas na sana ako ng condo ng biglang pumasok si Charisse, nabigla ako sa ginawa nya.

"Charisse, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero hindi nya pinansin ang tanong ko bagkus ay hinalikan na lang nya ako. Nung una ay nagpupumiglas ako pero kalaunan ay natalo na rin ako at ngayon ay naggagantihan na kami ng halik sa isa't isa.

•• Cara Allison's Pov ••

Nung nalaman ko na na-ospital si Chiara ay agad agad akong pumara ng taxi at pumunta sa ospital kung nasaan si Chiara. Tinanong ko sa information kung nasaan si Chiara at nung nalaman ko kung nasaan ay agad ko itong pinuntahan.

Only to find out na nandun na pala sina Ate Charen, Kuya EJ at si Manager Lara. Nilapitan ko sila at tinanong ang kalagayan ni Chiara habang nakatingin lang sa mahimbing na natutulog na mukha ni Chiara.

"Okay na sya. Sadyang dahil lang sa stress kaya nagkaganyan sya. Wala na tayong dapat alalahanin. Mamaya rin ay magigising na sya" tugon ni Ate Charen habang nakatingin lang din kay Chiara.

Di nagtagal ay isa isa na ring pumasok sina Cloude,Jess at Zian. Agad silang nilapitan ni Kuya, samantalang ako ay naisipan ko na lang na maupo muna dito sa upuan na malapit lang kay Chiara.

"Good thing at nandito na kayo. Si Ethan, nasaan?" nag-aalalang tanong ni Kuya EJ pero nalungkot lang ang mukha nila Jess at Cloude pero si Zian parang walang emosyong mababakas sa kanyang mukha.

"Hindi nyo sya kasama?" nag-iba na ang mukha ni Kuya EJ at bakas sa mukha nito na naiinis na ito dahil medyo tumaas na rin ang boses nito. Tumungo lang ang kambal at si Zian.

"Ano? Sumagot kayo?" inamba na ni Kuya EJ ang kamay nya para suntukin ang tatlo dahilan para mapasinghap kami ni Manager Lara.

"EJ, tama na yan" mabuti na lang at agad syang inawat ni Ate Charen.

Niyaya muna ni Ate Charen si Kuya EJ para lumabas muna sila. Naiwan naman kami dito, nanatili lang kaming tahimik ng biglang dumating si Darren.

Halatang tumakbo sya. Agad naman syang nagtanong kung anong nangyari kay Chiara at nung sinagot ko ung tanong nya ay nagkaroon sila ng kaunting kamustahan magkakaibigan.

Nagkatawanan sila pero si Zian ay natahimik lang na umupo dito sa bakateng space malapit sakin at dito na lang sya sumandal at unti unting pinikit nya ang kanyang mga mata.

Hindi ko maintindihan kung paano naging artista sila? Ang we-weird nila. Tingnan mo itong kambal na ito nag-aaway sila habang ku-kwentuhan. Hay , para silang mga bata.

"Sige, ako na lang ang susundo kay Ethan" magsasalita pa sana itong kambal kaso basta na lang lumabas itong si Darren.

Sana, masundo nya si Ethan.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon