Special Chapter 3

Magsimula sa umpisa

"Ayoko s'yang mawala sa'kin Silver."

"Alam ko. Alam ko."

"Napakabait n'ya sa'min. S'ya na lang ang pamilya namin, patay na si papa. Ayokong maging ulila kami ni kuya. Hindi ko alam kung saan ako pupulot ng perang pampa-opera. Nahihirapan na kami."

Masakit para sa'kin kapag nakikita s'yang ganito. Mas gugustuhin ko pa na sigawan n'ya na lang ako araw-araw.

"I will help you."

"S-silver?"

"Magbibigay ako ng pera." Pero siyempre, with the help of dad.

"Ha?! H-hindi ko basta matatanggap 'yun ng ganun lang!"

Hmm.. Silver think... Paganahin mo ang utak mo kahit ngayon lang.

"Then, magresign ka na sa trabaho mo."

"A-ano?!"

"Doon ka naman sa bahay namin magtatrabaho bilang katulong." Ito na lang ang naisip kong paraan na alam kong papayag s'ya. "Ano?"

Napangiti s'ya at nagulat ako nang bigla n'ya 'kong yakapin. "Thank you."

I smiled to her. "No problem. Basta ikaw."

----

"Takteng 'yan!" Nanlumo ako sa perang nakita ko. 11,550 lang ang naipon ko sa loob ng isang taon. Lintik na 'yan! Allowance ko na 'to for 1 month eh tapos eto lang ang naipon ko?! Ang kuripot naman kasi ni mommy! Dapat daw matuto akong magtipid kahit na mayaman kami.

Oh, speaking of mommy.. "Mommy!" Lumabas ako ng kwarto at hinanap si mommy pero hindi ko s'ya nakita. Si dad lang ang nakita ko at mukhang problemado. "Yow dad!"

"Oh anak?"

"Nakita mo ba si mommy?"

Bumuntong-hininga s'ya. "Galit s'ya sa'kin ngayon..."

Woah! Ngayon lang sila nag-away ah? Astig. Ano kayang problema?

"Bakit?"

"Mamaya na ang explain. Bakit mo nga ba s'ya hinahanap?"

"Ah manghihingi lang po ako ng malaki-laking pera."

"Para saan?"

"Mamaya na lang din po ang explain. Nagmamadali na po ako."

"Marunong ka naman gumamit ng credit card diba?"

"Of course." 'Di naman ako tanga eh, medyo lang.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!