Chapter 21: Gate of Power (Part 2)

Kisha's POV

Supreme Commander? Ng ano? Ng mga Vampire Hunter?

Nagkatitigan kami ng matandang tinawag ni Cross na Supreme Commander. Pamilyar talaga siya, hindi ko alam kung saan ko siya nakita....

"Kisha, ito nga pala si Supreme Commander Nicolas Raven. Ang may pinakamataas na ranggo sa buong Vampire Hunter Clan. Siya ang namumuno sa aming lahat"

Hala? Talaga? Kaya pala iba ang tindig niya. Mukha siyang strikto at talagang kagalang-galang. Nakakatakot ang itsura niya. Kung ganito lang siguro ang Lolo ko baka mas gusto ko na lang na magtago sa bahay.

"A-Ah. Hello po"

Tumango lamang siya sa akin at binuksan ni Cross ng maluwang ang pintuan para papasukin si Sir. Nicolas. Dumiretso kami sa may sala at naupo. Mukhang hindi na naman ako kailangan dito eh. Wrong timing naman itong Supreme Commander na 'to. Madami pa akong itatanong kay Cross eh...

Napuno ng awkward na katahimikan ang paligid kaya mas pinili kong basagin na lang ito. Aalis na lang muna siguro ako kasi mukhang importante ang pag-uusapan nila at sa takot ko na lang, barilin pa ako nito kapag hindi pa ako umalis...

"Cross, aalis na muna ako. Tsaka na lamang kita kakausapin" tumayo si Cross pati na din si Sir. Nicolas...

Nagtaka naman ako kung bakit pati siya tumayo. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang...may kakaiba akong naramdaman sa puso ko...

"S-Sir. Nicolas. B-Bakit po?"

"Nangungulila lamang ako sa apo ko. Gustong-gusto ko na kasi siyang makasama" humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at nakita kong namumuo ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang nasasaktan din ako...

"Nasaan po ba siya?"

"Nandito lang siya kaso lamang ay hindi na niya ako maalala. Napakalaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako"

Ngumiti ako sa kanya. Baka sakaling lumuwang ang pakiramdam niya... "Siguro naman po ay patatawarin kayo ng apo niyo. Mahal niya po kayo kaya wag kayong mag-alala"

Ngumiti din siya sa akin at pinat ang ulo ko...

"Sige po. Mauna na ako"

"Ihahatid na kita sa labas" tumango si Cross kay Sir. Nicolas at sinamahan niya na ako hanggang sa labas. Naabutan ko naman si Jick na nakasandal sa labas ng kotse niya...

"Jick!"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!